Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kauna-unahang pagkakataon, makikipag pomyangan si Christine Bermas sa kapwa babae sa pelikulang Lampas Langit na mapapanood na sa Vivamax sa Agosto 19.
Ayon kay Christine, nanibago raw talaga siya nang malamang may girl to girl lampungan sila ng co-star na si Chloe Jenna sa nasabing obra ni Direk Jeffrey Hidalgo.
Gayunpaman, bilang aktres, kailangan daw niyang patunayang she’s ready and up for the challenge of her role.
Nakatulong daw naman na pinag-usapan nila ni Chloe kung ano ang magiging atake nila sa kanilang marurubdob na eksena.
Pero para sa kanya, marahil ay huli na ito sa mga torrid at sizzling hot na eksenang gagawin niya sa kapwa babae.
Feeling kasi niya, nakikita niya ang kanyang nanay at kapatid kapag may ganoong interaksyon siya sa kanyang kabaro.
Nasanay lang daw kasi siyang mga barako ang karomansa niya sa sexy films na ginawa niya.
Nilinaw naman niya na she has nothing against lesbians kaya lang mas kumportable raw kasi siya sa sex scenes with the opposite sex lalo na kung ganoon katindi ang sequences.
Bagama’t may nagsasabing siya na ang tinaguriang Vivamax Queen dahil sa ipinakita niyang galing at tapang sa pag-a-all out sa Scorpio Nights 3, ayaw naman niyang isiping naagaw na niya ang nasabing trono kay Angeli Khang.
Hindi man kasing kapangahas si Christine sa pelikulang Lampas Langit, natutuwa naman siya na nabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanyang range sa isang sexy romance thriller na never pa niyang nagagawa sa mga nakaraan niyang pelikula.
Sa Lampas Langit, ginagampanan niya ang papel ni Belle, isang mapagmanipulang babae na magkakaroon ng lihim na relasyon sa kanyang kapitbahay na isang struggling writer na binibigyang buhay ni Baron Geisler.
Kasama rin sa pelikula sina Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo.