Advertisers

Advertisers

Janine at Paulo babu na ang romansa nang matapos na ang serye at pelikula

0 609

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGIGING maingayna naman ang pangalan ni Janine Gutierrez after the movie na “Ngayon Kaya” at serye na “Marry Me, Marry You” nila ng rumored boypren na si Paulo Avelino, dahil na rin sa may bago siyang serye na isang Girl Love series together with Lovi Poe, ang “Sleep With Me” na magsisimula nang i-airing on iWant TFC on August 15.
Marami ang nakapansin sa followers ng tambalan ninanJanine at Paulo na simula nang matapos ang promo period ng kanilang movie ay tila ‘nagwakas’ na rin ang tsikang pagkakamabutihan ng dalawa na more than friends.
Patuloy pa kaya ang panunuyo ni Paulo kay Janine offcam kahit tapos nang maipalabas ang kanilang serye at movie?
“Ewan ko. Ha ha ha. Alangan namang kasi na ako pa ang sumagot sa ganyang tanong, e ako yung girl. We see each other. Kaya lang pareho rin kaming busy kasi maraming trabaho” say ni Janine.
Say pa ni Janine, susuporta rin umano si Paulo sa bago niyang serye with Lovi.
“He’s very supportive, very encouraging. Like itong ‘Sleep with Me’, he knows we’re promoting it so he gives me words of encouragement at malaking bagay yun coming from someone like him.
“He says he wants to see ‘Sleep with Me’ kasi friend din niya si Lovi as they’ve worked together before. I’m happy that he is excited to watch it as I will appreciate his opinion about it. I hope he gets to like it,” dagdag na say pa ni Janine.
***
PATULOY pa rin sa pagtabo sa takilya ang kontrobersiyal na pelikula ng taon, ang “Maid in Malacanang” na to date for 1 week showing ay humakot na ng 200M plus sa takilya and still going strong pa rin on its 2nd week. Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ang ilang casts at si Direk Darryl Yap ng MiM para sa promo ng kanilang movie na magkakaroon ng showing worldwide. First stop ng grupo ni Direk ay sa Japan.
Sa mga artistang naikabit ang pangalan sa movie, isa sa mapalad na masasabi ay si Jerome Ponce, dahil sa nilulutong prequel ng MiM, na may tentative working title na ‘Martyr or Murderer’ o MoM na base naman sa assassination ng dating senador na si Ninoy Aquino, isa sa napipisil na lumabas bilang teen Ninoy ay si Jerome at mismong si Direk Darryl ang nakaisip nito. Kasama kasi ang MoM sa mga ipinitch n’ya sa Viva ang trilogy concept ng istorya about the Marcoses.
“I’m aiming for Jerome Ponce to be the young Ninoy Aquino. I’m very vocal in saying that because I believe in the kid and I think he’ll do justice as young Ninoy,” say ni Direk Darryl.
Natawag-pansin ni Jerome ang curiosity ng masa nang mag-viral ito kamakailan matapos mag-post ang ina ng kanyang girlfriend na si Sachzna Laparan ng larawang kuha sa labas ng sinehan at hagip ang poster ng Maid in Malacañang.
Sina Sachzna at Jerome, parehas artista sa pelikulang ‘Katips’, ang movie na tumatalakay naman sa buhay ng mga aktibista noong panahon ng Martial Law at itinapat ang showing sa mismong araw na ipalalabas ang MiM.