Advertisers

Advertisers

Imbestigahan din ang pinamiling gadgets worth P93m ng DICT na walang gamit, inamag lang!

0 291

Advertisers

HABANG kaliwa’t kanang pangungutang sa loob at labas ng bansa ng nakaraang administrasyong Duterte, nag-aksaya naman ng pera o gumawa ng raket na pagkakitaan ang ilang ahensiya ng gobyerno.

Matapos ibunyag ng Commission on Audit (CoA) sa kanilang taunang audit report (para sa taon 2021) sa bawat ahensiya ng pamahalaan, ang pagbili ng outdated at overpriced laptops ng DepEd para sa mga titser na idinaan sa Department of Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS) na nagkakahalaga ng P2.3 bilyon, nabuking din ang mga hindi na-repair na classrooms na mayroong ilang bilyong pisong budget ng DepEd na pinamumunuan noon ni Sec. Leonor Briones.

Tapos ito namang Department of Information and Communications Technology (DICT) na pinamumunuan naman noon ni dating Secretary Gringo Honasan, ang dating Senador at military Colonel na bata ni Juan Ponce Enrile na arkitek ng pagpatalsik sa ama ni Pangulong Bongbong Marcos Jr..



Ayon sa CoA report, bumili ang DICT ng 866 laptops at 12,482 gadgets na nagkakahalaga ng P93 million na walang paggagamitan. Oo!

Ang naturang gadgets, ayon sa CoA, ay nakaimbak lang sa isang tabi at napuno ng alikabok. Tsk tsk tsk… Sayang na sayang ang pera ni Juan dela Cruz, ano repapips?

Ang Duterte administration ay nakapangutang ng ilang trillion sa huling dalawang taon ng kanilang termino, kasagsagan ng pandemya ng Covid-19.

Talagang ginawa nilang rason sa kaliwa’t kanang pangungutang ang Covid-19, na natadtad ng katiwalian, base sa CoA reports.

Sa huling dalawang taon ng Duterte govt. (mula 2020), umutang ito ng P275-B para sa emergency funds kuno, sumunod ay P300-B mula sa BSP, $1.5-B loan mula sa Asian Development Bank, $500-M loan mula sa World Bank (April 10, 2020), $100-M loan mula sa World Bank (April 23, 2020), $750-M loan mula sa AIIB (2020), P23.5-B loanmula sa Japan (2020), $1-B loan mula sa World Bank (July 2020), $1.9-B loan mula World Bank (August 14, 2022), $500-M loan mula sa ADB (Sept. 10, 2020), $600-M loan mula sa World Bank (Sept. 30, 2020), $88-M loan para sa Customs Modernization (2020), $880-M loan mula sa World Bank (Dec. 16, 2020), P540-B loan mula sa Central Bank (Jan, 6, 2021), $400-M loan mula sa ADB (March 12, 2021), $300-M loan mula sa World Bank (March 25, 2021), P24-B loan mula sa Japan (March 30, 2021), $300-M loan mula sa World Bank (Dec. 21, 2021), P12.3-B loan mula sa Japan (April 2022), $56.6-M loan mula sa South Korea (May 4, 2022).



Ang lahat nang ito ay nagawa sa loob lamang ng huling 2 taon ng Duterte administration. Ito’y babayaran ng tatlong generations, about 60 years! Malamang tigok na ang mga tao na nasa likod ng gabundok na utang na ito. Ang mga anak at apo nating nabubuhay ang magbabayad nito sa pamamagitan ng buwis!

Ito ang legacy ng Duterte administration!!!

***

Hindi pa pala tiyak kung tatanggapin ni PBBM ang resignation letter ni Agriculture Usec. Sebastian matapos mabunyag ang pagpirma nito para sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal nang hindi alam ng Pangulo na siyang tumatayong kalihim ng DA at Chairman ng Sugar and Regulatory Administration (SRA), ayon sa Malakanyang.

Subaybayan!