Advertisers
Isang panukalang batas na nagde-deklara sa Quiapo bilang isang ‘national heritage zone area’ ang inihain sa Kongreso.
Ang panukala, na iniakda ni Manila third district Rep. Joel R. Chua ay kanyang inihain sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong Agosto 17.
Sa ilalim ng kanyang House Bill 3750, kasama sa boundaries ng heritage zone ang paligid ng Quiapo Church, Plaza Miranda, San Sebastian Church, at Plaza del Carmen, upang mapabilang ang nasabing zone sa restoration ng mga imprastruktura, preservation ng kulturang mula at likas sa lugar at rehabilitasyon ng pamayanan.
Kasama rin sa ipinadedeklarang heritage zone ni Rep. Chua ang kanlurang bahagi sa Evangelista Street, mga nakapalibot na gusali at propriedad sa paligid ng Quiapo Church at Plaza Miranda.
Sa hilaga naman ay ang “rear property lines of buildings facing Escaldo Street and F. R. Hidalgo Street” hanggang hilagang-kanluran sa “rear property lines of buildings facing San Sebastian Street and northeast along Recto Avenue.”
Sa silangang bahagi naman, kasama sa heritage zone ang “side property lines of the San Sebastian College complex and Plaza del Carmen, and on the south, following the south bank of the Estero de Quiapo and wrapping around the rear property lines of buildings facing Hidalgo Street and A. Bautista Stree.,”
Ayon kay Chua, mga trabaho sa heritage zone at pag-angat ng buong Maynila ang idudulot ng HB 3750.
“The Quiapo Heritage Zone shall be accorded priority development by the Department of Tourism (DOT) and other concerned departments and units and shall be subject to the rules and regulations governing the development of national heritage zones,” ani Chua sa explanatory note ng HB 3750.
“For many reasons, Quiapo has become a household name, a landmark, and a symbol for many Filipinos. The name “Quiapo” was derived from the word kiyapo. It is a species of floating water lily with thick, light-green leaves, similar to a tiny, open cabbage. At around the early 1600s, the galleon trade increased the population of Chinese migrants who exchanged their silk and other products near Quiapo,” ani Congressman Chua.
Itinatalaga sa HB 3750 ang Department of Tourism, sa pakikipagtulungan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pang ahensya ng gobyerno pati na ang City Government of Manila, para sa pagbabalangkas ng development plan sa loob ng isang taon mula sa oras na naging batas na ang HB 3750.
Sakop ng development plan ang “restoration, rehabilitation conservation and/or maintenance of such appropriate facilities which shall enhance the area…ensure the preservation of the cultural heritage and the historical significance of the identified area.”
Magmumula sa annual national budget at internally-generated funds ng DOT ang pondo para sa Quiapo Heritage Zone.
Ang panukalang batas, ayon kay Chua, ay isang pagtanaw ng utang na loob sa Quiapo dahil siya ay isang lehitimong ‘Batang Quiapo.’ Ito ang kanyang kinagisnang tahanan at doon siya lumaki hanggang sa siya ay magkaroon ng pagkakataong mapaglingkuran ang kanyang distrito bilang isang pulitiko.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.