Advertisers

Advertisers

Prinsipal inatado ng gunting ng bagets

0 243

Advertisers

ARESTADO ang isang binatilyo sa pagpatay sa school principal sa Roxas City, Capiz nitong Martes ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jun Mencedez, 57, principal ng Minoro Elementary School, habang ginagamot sa ospital ang anak nito, kapwa residente ng Green Earth Subdivision, Brgy. Mongpong, Roxas City.

Kinilala ang salarin na itinago sa pangalang “John” ng Barangay Balatan Mambusao, Capiz.



Sa report ng Roxas City Police, 1:55 ng madaling araw ng Martes nang maganap ang krimen habang nag-iinuman ang principal at salarin kasama ang isang Alvin Aniero sa loob ng apartment ng biktima.

Pero makalipas ang ilang oras, nagpaalam si Aniero at naiwan sina Mencedez at John na nag-iinuman pa.

Ayon sa ulat, biglang nagkaroon ng komosyon sa loob ng apartment hanggang sa pinagsasaksak ni John ang principal gamit ang gunting.

Nagising naman ang anak ng biktima at nakitang duguan ang ama kaya niyakap niya ito hanggang sa siya ay nasaksak din sa braso ni John at mabilis na tumakas.

Nadakip si John sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad.



Lumabas sa pagsisiyasat na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang pitaka ni Mencedez.

Sa salaysay ng salarin sa pulisya, sinabi nito na tinangka umano siyang gamitin ng biktima dahilan para manlaban ito at nagawang saksakin ang biktima gamit ang gunting.

Sa autopsy report, nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan at leeg ang biktima.