Advertisers

Advertisers

No Contact Apprehension Policy (NCAP), maganda ang layunin pero iba ang hangarin?

0 376

Advertisers

Mainit na pinag-uusapan ang NCAP ngayon dahil sa mukhang hindi pinag-aralan at pinagplanuhan maige ang sistemang nakapaloob dito.

Maganda ang layunin pero iba ang hangarin ng ilang mga taong nasa likod ng mga kumpanya or service providers ng proyektong ito.

Ayon sa ating source, mga matataas na opisyal ng gobyerno ang may hawak nito kaya “approved without thinking” sa mga local government units (LGUs).



Seventy/thirty (70/30) ang laban o hatian sa kita ng mga service providers at LGUs, 70% sa service provider at 30% sa lokal na pamahalaan, saan ka pa?

Kikita nga naman ng 30% ang LGU nang walang ginagastos dahil sagot na ng service provider ang paglalagay ng mga CCTVs na ito sa isang lokalidad.

Hindi tayo tutol sa pagdidisiplina sa mga abusadong driver na nakukuhanan ng CCTVs ng NCAP providers, tutol lamang tayo dahil sa dami ng nahuhuli (biktima) ng NCAP na hindi naman sila ang tunay na violators.

Halimbawa, kung hiniram ng kapit-bahay mo ‘yung sasakyan dahil emergency cases at nakalabag sa batas trapiko, ang biktima dito ay ‘yung may-ari ng sasakayan, anak ng baka talaga.

Nag magandang loob ka na ikaw pa ang nabiktima ng violation na hindi mo naman ginawa.



Ilan lamang ‘yan sa mga katanungan kung bakit maging ang LTO ay nahihirapan na sa mga dagsang reklamong dumarating sa tuwing may magpaparehistro sa ng sasakyan sa kanilang tanggapan.

Hindi rin sistemado ang violation rates ng mga ito depende ata sa kung gaano kalaking komisyon ang gustong makuha ng mga middle man nito.

Isa pa sa mga nagiging reklamo din ng mga drivers ay nahuli na ng trapik enforcer, may huli ka pa din sa NCAP.

Doble pahiran sa kaawa-awang driver.

Masusing pag-aaral pa ang kailangan ng proyektong ito hindi porke samahan ng mga Usec,Asec, congressmen at kung sino pang ng Poncio Pilato pa ang nagmamay ari ng service providers eh go lang ng go ang mga gagong LGUs.

Dapat isaalang-alang natin ang ilang may-ari ng sasakyan,dahil ang violator dito ay mismong driver at hindi ang owner.

Kaya karamihan ang nagrereklamo ay mga may ari ng mga kumpanyang pribado man o pampublikong sasakyan maging ang mga service ng gobyerno ay hindi lusot kung ang driver mo ay malikot.

“Lagi na lamang tayong nagiging biktima ng mali at palpak na sistema na hindi naman tayo ang gumawa ng violation”, ‘yan ang bukang bibig ng mga owner ng sasakyan.

Ang pinupunto kasi nila, ang driver ang may kasalanan at hindi ang sasakyan, bakit nga naman ang sasakyan ang bibigyan mo ng penalty at hindi ang driver nito?

Mukhang mas nananaig kasi ang “komisyon” sa proyektong ito kesa sa layunin na ma-desiplina ang mga drivers.

Kung ganito ang nakakapangyari, marapat lamang at makatarungan na magkaroon ng transparency patungkol sa issue na kung sinong mga VIPs ang nasa likod ng NCAP providers na ito.

Ilabas sa publiko ang mga pangalan ng matataas na opisyal ng gobyerno na direktang may-ari o kasosyo ng mga NCAP service providers.

Malinaw kasi na bukod sa unethical ang pagpasok sa mga ganitong Negosyo, malinaw na may “complict of interest and bad faith” sa kalokohang ito.

Naiimpluwensiyahan kasi ng mga VIPs na ito ang desisyon ng isang LGU, hindi po ba?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com