Advertisers

Advertisers

THANYA TUNAY NA REYNA NG FINIS NAT’L FINALS SA CLARK

0 244

Advertisers

PINATUNAYAN ni SEA Games campaigner Thanya Dela Cruz ang tikas sa breaststroke event habang nakisosyo sa parangal ang homegrown na si Czarina Cavite ng Davao Del Norte sa naitalang triple gold medal sa 2022 FINIS Short Course Swimming National Finals nitong Sabado sa Olympic-sized New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Si Dela Cruz, isang UAAP multi-medalist at 2019 SEA Games campaigner ay nagwagi sa girls 19&over 100-meter breaststroke sa oras na 1:14.16 laban kina Adriana Yulo ng Iloilo Tiger Shark Swim Team (1:22.65) at Danielle Patricia Valenzuela ng Megakraken Swim Team (1:28.54).

“It’s very challenging here considering na ako na yata ang pinaka-senior at mga kalaban ko mga up and coming. Maganda yung start ko, buti naman po at hind ako napahiya sa mga juniors ko,” pabirong pahayag ng 19-anyos na freshman sa Ateneo kung saan nag-aral siya sakursong AB Major in Development Studies.



Kumakatawan sa Golden Zoomers Swim Team, sisikapin ng two-time SEA Games mainstay na malikha ang doble win sa pagsalang niya sa paboritong 50-meter breast sa huling araw ng kompetisyon ngayong Linggo kung saan target niyang malagpasan ang sariling National mark na 30.4 segundo na kanyang nairehistro sa PSI tournament noong nakaraang taon.

Nagdiwang naman ang delegasyon ng Mindanao sa panalo ni Cavite, 10, mula sa DavNor Blue Marlins Swim Team na nagwagi sa girls 9-10 100-m IM (1:28.83), 100-m butterfly ( 1:32.29) at 50-m freestyle (35.41).

Nanalo ang DavNor pride kina Reese Tacuboy (1:29.08) at Elisha Aparri ng Sealions Swim (1:34.67) sa kanyang unang event; bago talunin ang kanyang mga karibal na sina Reese Meciano ng Silay (1:35.34) at Precious Solayao ng Gigs (1:49.80) sa kanyang ikalawang ginto. Sa ikatlong event, tinalo niya sina Reese Tacuboy (35.90) at Rhiane Aparri ng Sealions (39.18).

“Masayang masaya po ako. Talagang pinagbutihan ko po para sa aking team, kay coach at sa mga sponsors namin,” sambit ni Cavite, bahagi ng 100-athlete delegation ng Mindanao.

Ipinahayag ni FINIS Managing Director Vince Garcia ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kalahok, opisyal at pangunahing local government unit head sa pagpapaabot ng kanilang tulong para sa tagumpay ng kompetisyon na binalak na niyang gawin na taunang programa.



“Sobrang saya namin. Yung makita mo lang na maraming kabataang swimmers ang nabibigyan mo ng tsansa na mag-excell, sapat na para sa pinagpaguran namin. Hindi tayo natatapos ditto,” ayon kay Garcia. (Danny Simon)