Advertisers
DINISPATSA ng defending champion China ang Vietnam, 25-12,25-6,29-31,21-25,15-12, para sa kanilang ikalawang dikit na tagumpay sa Asian Volleyball Confederation Cup for Women sa PhilSports Arena sa Pasig.
Si Zhuang Yushan ang kumana ng final two kills upang umakyat ang China sa Top spot sa Pool A.
Samantala, nilampaso ng China ang South Korea sa opener Linggo.
Nagitala ng Japan ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay matapos walisin ang Chinese Taipei, 25-22,25-22,25-22.
Dinaig ng Japanese ang Thailand, straight sets, sa kanilang unang pagharap sa Pool B.
Yuki Nishikawa umiskor ng 11 kills,kabilang ang walo sa unang yugto,habang si Mizuku Tanaka nagdagdag ng nine points.
Miyu Nakagawa at Asuka Hamamatsu nag-ambag ng tig- 9 na puntos.
“We are getting better and better, little by little. We got to play our volleyball. The fact that we are winning two games in a row, that’s great,” Wika ni Japanese team captain Mika Shibata na nagtala ng three attacks at ace.
Taipei team captain Chang Li-Wen umiskor ng 16 at Lin Shu-Ho bumakas ng 10 points.
Ang Japanese ay 2 araw magpapahinga bago harapin ang Australia sa Huwebes.