Advertisers
KINANSELA na ng Manila City Government ang klase maging sa mga pribadong paaralan sa lungsod.
Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensyon ng klase matapos na unang suspindihin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na apektado ng bagyong Florita.
Ayon sa Manila City Government , ang suspensiyon ay mula hapon ng Agosto 23 hanggang Agosto 24.
“WALANG PASOK: The City of Manila includes private schools in the suspension of classes for today, August 23 until tomorrow, August 24, 2022,” paabiso ng lokal na pamahalaan.
“Through the Executive Order No. 29, Mayor Honey Lacuna-Pangan declares the suspension of both public and private schools in all levels as well as suspension of government offices due to the severe tropical storm #FloritaPH,” ayon pa sa sinasaad ng paabiso.
“Private offices shall have the discretion to suspend their work based on the weather condition,” sabi pa nito.
Ang mga tanggapan naman ng gobyerno na nagbibigay ng basic at health services ay exempted o hindi kasali sa suspensiyon ng office work. (ANDI GARCIA)