Advertisers
GINULPI ng Gilas Pilipinas U 18 ang Chinese Taipei 84-73, upang mangibabaw sa Group C preliminary round ng FIBA U18 Asian Championship kahapon sa Azadi Basketball Hall sa Tehran,Iran.
Bagaman tiyak na sa quarterfinals entry, ang Gilas ay hindi pa rin nag kumpiyansa at patuloy ang pananalasa sa pangunguna ni Filipino-Australian ace Mason Amos upang magtagumpay sa laban ng unbeaten teams.
Nitong Lunes, nasilo ng Gilas ang quarters spot matapos ilampaso ang Quatar,77-61, kasunod ng 112-48 pagdurog sa Syria Linggo.
Amos, ang prized recruit ng Ateneo sa UAAP, ay umiskor ng 28 points, six rebounds at three assists.
James Nacua nagdagdag ng 16 points habang si Joshua Coronel at Seven Gagate nag-ambag ng tig- 9 na puntos para sa Gilas sa ilalim ng pangangasiwa ni coach Josh Reyes.
Laban sa Quatar, Amos ay komulekta ng 19 points at seven rebounds habang si Jared Buhay bumakas ng 15.
Hindi pa tiyak ng Gilas kung sino ang katunggali sa quarterfinals depende sa draw matapos ang group play sa natitirang top eight teams mula sa 10-squad cast.
Karaniwan na FIBA format ay four groups sa 12 teams na ang top two mula sa bawat pool ay aabante sa knockout playoffs.
Puntirya ng Gilas na malagpasan ang Final Four finish ng huling Philippine U 18 team sa 2018 Asian tilt na pinangunahan ni Kai Sotto.