Advertisers

Advertisers

URCC Global The Champ vs The Underdog… SUGAR RAY ESTROSO BINISTAY SI BOSS BULLET PARA SA TRONO

0 306

Advertisers

KINAGAT lang ni Mammoth ang bala ni Bullet.

Umabot lamang ng 80 segundos para kay champion Sugar Ray “The Mammoth” Estroso upang gibain ang kanyang challenger at underdog na si Boss “Ang Bumangga Giba” Bullet para mapanatili ang kanyang heavyweght crown sa pagsipa ng pinakahihintay na Universal Reality Combat Championship ( URCC) Global Fight Night sa Xylo ,Uptown BGC in Taguig City noong nakaraang Martes.

Si Estroso,dating professional boxer bago maging kampeong mixed martial arts fighter ay pinatunayang masyadong superyor ang kanyang lakas kontra katunggaling overhyped challenger na si Boss Bullet na kinailangan lang ng isang matinding suntok upang iparamdam ang mensaheng di niya na patatagalin ang laban upang mapanatili ang kanyang championship belt via short route at di na aabot pa sa scorecard.



Si Bullet,pamosong medalist MMA fighter at isang vlogger sa Middle East ay matindi ang pagnanasang wasakin ang higanteng kampeon kung saan ay buong tapang siyang nakipagpalitan ng suntok at sipa ilang minuto pa lang sa laban pero inabot siya ng matinding bolo punch mula kay champ na nagpabagsak sa kanya sa lona pero magiting na natakasan ang pag-atake ng umuusok na si Estroso sa plakdang si Bullet sa canvass.

Isang sablay na roundhouse kick at raging bull attack ng underdog ang naging blunder nito matapos siyang masakote ng kampeon na nagpaulan ng pamatay na mga suntok sa bodega at mukha at nagpaluhod sa natulog saglit na si Bullet kung saan ay nakita na ng third man of the cage na tapos na ang bakbakan pabor kay Estroso sa pagbubunyi ng mammoth crowd sa ‘the Xylo’.

“ Plano talaga namin sa Team Estroso camp, kailangan pagsuntok ko iindahin niya( Bullet) para pag tumama ay may paglalagyan siya.I know I’m too strong for him,” sambit ng naghaharing kampeon na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang laban sabay payo sa fallen challenger,” Dapat ipagpatuloy pa niya ang training sa URCC at hamunin niya iyong mga katapat lang niya.mas malaki ako at mas malakas,gusto niya kasi champion agad ang kakalabanin niya kaya hayun humalik siya sa lona”.

Pinuri naman ni URCC founding chief Alvin Aguilar ang dalawang protagonista sa kanilang ipinamalas na sportsmanship matapos ang laban at nag- congratulate sa pagiging mapagpakumbaba ni ‘ champ’Estroso sa kanyang tagumpay.”At least natapos natin ang matagal na nilang feud na kahit saan sila magkita( sa airport,sa gym, press conference and weigh in) ay nagbabangasan. So we brought their fight inside the cage and the rest is history”,wika ni Aguilar, kasalukuyan ding pangulo ng NSA na Wrestling Association of the Philippines at international jiu jitsu champion noong kanyang prime. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">