Simulation Exercise, isinagawa ng PNP- Avsegroup sa NAIA 4
Advertisers
Nagsagawa ng simulation exercise ang PNP-Aviation security group sa NAIA Terminal 4 kahapon ng umaga, kung saan isang bag ang kunwaring naiwan ng isang pasahero sa harap ng terminal.
Mabilis na rumesponde ang ga security guard at PNP upang alamin kung ano ang laman ng nasabing bag.
Bago niyan ay ipinarating ng guwardiya na unang nakakita sa bag, ang impormasyon sa Airport Police na agad namang nakipag-ugnayan sa Airport Police at PNP- Aviation Security group.
Agad na ipinanawagan sa paging system ang ukol sa bag na naiwan at kung sinuman ang may-ari nito upang agad niya itong makuha.
Matapos ang tatlong ulit na panawagan at walang lumutang na may-ari ay pinaikutan na ng police line ang lugar upang ang mga tao ay hindi na makalapit pa sa nasabing bag, na batay sa senaryo ay kunwaring iniwan ng pasahero na nakasakay sa taxi.
Dalawang beses itong nilapitan ng K9 unit at maya-maya ay lumapit na ang police bomb squad personnel at tinalian ang bag upang hilahin bago ito binuksan. Halos kalahating oras na pinigil ang daloy ng mga pasahero at sasakyan ng NAIA terminal 4.
Ayon kay PNP-Aviation Security group Police Maj. Napoleon Dionido, Hepe ng NAIA Terminal 4, ginagawa nila ito upang makita kung papaano kabilis magresponde ang kanilang mga pulis sa naturang sitwasyon.
ag alaman na naglalaman lang ito ng mga damit at personal na gamit ng nakaiwang pasahero.
Ayon kay Dionido ginagawa nila ang ganitong senaryo upang bigyan daan ang kahandaan ng PNP sa pagtugon ng ganitong sitwasyon na posebling samantalahin at gagawin ng mga masasamang elemento.
Layon din nito na mabigyan ng kahandaan at kakunting kaalaman ang mga pasahero Incase na magkaroon ng ganitong tagpo na maaaring gawin ng mga miyembro ng teroristang grupo sa mga Paliparan sa bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)