Advertisers
MULI na naman nagdala ng karangalan sa bansa si Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wagman matapos makopo ang runner-up honor sa Women’s Blitz Chess Championship na ginanap sa Elite Hotel Palace sa Stockholm, Sweden nitong weekend.
Ang 5-time National Open Champion Mariano ay naka kolekta ng 7.0 points mula six wins, two draws at loss.
Naisubi naman ni Grandmaster Pia Cramling ang titulo na may 8.5 points mula eight wins at one draw habang tumapos si Woman Fide Master Anna Cramling ng third na may 6.5 points mula six wins, one draw at two loses.
Si Mariano na pambato ng Academic Chess Society Umeå chess club ay may pagkakataon na magkampeon subalit nag offer ng draw sa Round 4 kay eventual champion Cramling na tinanggap ng huli.
“With my great respect to my idol GM Pia Cramling that’s why i offer a draw,” Wika ni Mariano sa isang vernacular interview.
Nabigo si Mariano kay WFM Anna Cramling sa Round 5 subalit nakabalik sa kontensiyon sa pag draw kay Ofelia Thornqvist sa Round 6.
Naipanalo ni Mariano ang sumunod na nalalabing tatlong laro tungo sa second places.
Magkasalo sina Ofelia Thornqvist at Woman International Master Viktoria Johansson sa fourth hanggang fifth places na may tig 6.0 points habang sina Julia Ostensson at Cajsa Lindberg ay magkasalo naman sa sixth hanggang seventh places na may tig 5.0 points.
Mga nakapasok sa top 10 ay sina eight Woman International Master Irina Tetenkina (4.5 points), ninth Lavinia Valcu (4.0 points) at tenth Linn Olsson (4.0 points).
Nitong nakaraang Linggo, ang dating ipinagmamalaki ng Philippine Airforce chess team na si Mariano ay nag eleventh place sa Stockholm Open lightning 2022 Chess Championships na ginanap sa Stockholms Schack Salongen sa Stockholm, Sweden.
Ang Umeå, Sweden based WIM Mariano na Culinary student sa Astar School ay pang 15th place sa Stockholm Open Standard chess championships.