Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P16.3 million ng marijuana at shabu ang nasamsam sa 11 drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon sa Kalinga, Bulacan at Davao City.
Ayon kay Philippine National Police Chief, General Rodolfo Azurin Jr., nasa P15.6 million halaga ng marijuana ang nasamsam sa isang Jerry Salang-oy Alunday ng mga elemento ng Tabuk City Police Station, 1st at 2nd Kalinga PFMC, PECU, PIU/PDEU/RID PROCOR at RDEU sa isang checkpoint sa Tabuk City, Kalinga.
Inaresto si Alunday nang makuhanan ng 126 bricks ng marijuana na may timbang na 130,300 grams nang sitahin ito sakay ng isang kulay puting commuter van sa inilatag na checkpoint.
Sa Davao City, naaresto ng pinagsanib na mga elemento ng Davao City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Region 11 ang 5 drug personalities sa buy bust operation.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jezrel Villaros Adalwan, Antonio Mangin, Daniel Bustamante, Alan Leal at Leo Alquizar.
Nasamsam sa mga mga ito ang 13 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400.00.
Samantala, 5 drug personalities naman ang naaresto ng mga pinagsanib na elemento ng PNP-DEG SOU3, PDEA 3, RDEU 3, PRO3, Bulacan Police Provincial Office, nang salakayin ang isang drug den sa Sta. Maria, Bulacan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jumar Nicariel Uligan; Grace Sta. Cruz; Nicole Figueroa; Arnold Viola; at Patrick Sta. Cruz.
Narekober sa mga ito ang 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P 680,000.00.
Ang mga nadakip ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165.(Mark Obleada)