Advertisers

Advertisers

Sanggol nagulog sa trike, pisak sa jeepney

0 206

Advertisers

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapi ng isang taon gulang na sanggol na babae nang mahulog ito sa sinasakyang triysikel at nasagasaan ng kasunod na jeep, Biyernes ng umaga sa Teresa, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Jozella Ramirez, isang taon gulang .

Sa ulat, 10:30 ng umaga sakay ang buong pamilya sa isang traysikel na ‘for registration’ na minamaneho ng padre de pamilya na si Joseph R. Ramirez. Habang tinatahak nila ang kahabaan ng J. Sumulong Avenue sa Barangay Bagumbayan, Teresa, biglang nahulog ang sanggol na hawak ng kanyang kapatid at nasagasaan ng kasunod na jeep mula sa Antipolo patungong Tanay na minamaneho ni Jayson F. Curioza na may plakang DWX-939.



Nagawa pa itong maisugod sa St. Therese Hospital, subali’t binawian rin ng buhay. Hindi pa malaman ang dahilan kung paano nahulog ang bata sa pagkakahawak ng nakakatandang kapatid.

Iniimbestigahan ng mga pulis ang ama at jeepney drayber para tingnan kung may kasalanan din ang mga ito sa nangyaring insidente.