Advertisers

Advertisers

Kahit anong kalamidad: “Name it, nakahanda kami” – Mayor Honey

0 242

Advertisers

NAME it, nakahanda kami.

Ito ang paninigurado ni Manila Mayor Honey Lacuna kasabay ng kanyang pagbibigay komendasyon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Director Arnel Angeles sa kahandaan nito sa lahat ng uri ng kalamidad.

“Maari po ninyong tignan ang ating command center. Kumpleto po doon ang kagamitan na kailangan sa oras ng sunog, baha, storm surge, bagyo o lindol,” pahayag ni Lacuna sa regular flagraising ceremony sa City Hall nitong Lunes.



Ipinahayag din ng lady mayor kung gaano siya ka-proud sa mga kawani ng MDRRMO dahil sa pagtatrabaho ng mga ito nang higit pa sa kanilang itinakdang gawain tulad na lamang ng pagtungo sa mga nasalantang lugar sa labas ng Maynila gamit ang mga teknolohiya at makina na ipinagkatiwala sa kanila bilang suporta ng pamahalaang lungsod.

Sa kanyang bahagi, kinumpirma ni Angeles ang pahayag ng akalde at sinabing ang MDRRMO sa utos ni Lacuna, kamakailan lang ay nagtungo ng Abra na siyang hardest-hit ng malakas na lindol.

“Nakipagtulungan tayo sa lokal nilang pamahalaan upang makapagsagawa ng Rapid Damage and Needs Assessment sa kanilang probinsya. Hindi nahuhuli ang Maynila sa pagtulong sa iba. Marahil sa kadahilanang ito, maari na nating bansagan ang MDRRMO ang tanggapan ng laging saklolo.” sabi ni Angeles.

Sinabi pa nito na sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya ng national government, academe at non- governmental organizations, ay nagawang isakatuparan ng MDRRMO ang mga disaster plans nito.

“Alinsunod sa Republic Act 10121, ang mga nabanggit na plano, particular ang Local Disaster Risk Reduction Management Plan, Climate Change Adaptation Plan, Comprehensive Land Use Plan na kaakibat namin ang City Planning and Development Office at Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan na kasama natin ang Liga ng mga Barangay ang magiging gabay at susi natin patungo sa pagkamit ng parangal na Gawad Kalasag at Seal of Good Local Governance (SGLG) na matagal nang naging mailap sa Lungsod ng Maynila. Sa pakikiisa ninyong lahat, buong kumpiyansa po naming masasabing maisasakatuparan po natin ito. Malapit na, konting push na lang,” sabi ni Angeles. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">