Advertisers

Advertisers

Resign Reyes!

0 284

Advertisers

Bukod sa batikos niya na natatanggap sa mga ilang taga-media at mga tagahanga ay minamalas talaga ireng si Chot Reyes.

Natalo pa kanyang TNT sa PBA finals ng SMB kahit 3-2 na sila dati sa serye. Nadalawang sunod pa sila ng Beermen para masungkit ang korona sa Philippine Cup. Tambak pa sila pareho sa dalawang game.

Sa Game 7 na health protocol siya, na-eject si Poy Erram at nagka-injury naman si Jayson Castro sa Game 6.



Yung iba naman mahusay na, may halong suwerte pa. Siya panay na talo sa International at local scene ay minamalas pa.

Kaya kailangan maisip niya na magbitiw na lang sa Gilas Pilipinas. Mag-focus na lang siya sa Tropang Giga. Baka mag-iba ang kapalaran niya. Aba hindi lang siya ang anak ng Diyos.

Pwedeng hindi siya tanggalin ni MVP o SBP pero siya na maghain ng irrevocable resignation sa pambansang koponan.

Kita naman hindi niya kaya ang parehong trabaho. May experitse nga siya nguni’t hindi siya ang bagay na mentor ngayon ng Team PH.

Nandiyan naman si Tim Cone. Tapos biglang available na si Yeng Guiao. Mga batikang bench tactician na pwede naman Mga dating hinawakan na nila and ating national squad at may sapat na karanasan at capabilidad.



Eka nga ni Tata Selo kung may natitirang delikadeza si Reyes ay resign na siya. Ngayon na!

***

Alam ninyo ba na ang tanging player na umiskor ng 100 na puntos sa isang game na si Wilt Chamberlain ay may libro na pinamagatang The View from Above. Opo isa yan sa kanyang tatlong aklat.

Mga view at opinion ito ng 7-footer hinggil sa sports, race at sex.

Minsan sinabi rin ng sentro na naglaro para sa 76ers at Lakers na nakasiping niya ang mga 2000 na babae.

***

Hindi nababangit ang isang option ng LA Lakets kay Russell Westbrook.

Kung hindi mai-trade ay maaari naman siyang i-buyour nina Rob Pelinka. Baka mapapayag si Westbrook halagang 40M. Tapos pirma siya sa iba ng 7M. Eh di bawi na siya sa lumang kontrata.

Pwede rin kasing ibangko siya ni Coach Darvin Ham at kalawangin siya ng isang buong season. Aba mahirap maburo. Babaho!