Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ng Filipino Olympian pole vaulter na si EJ Obiena sa bansang Germany.
Matapos nitong manguna sa ilang mga torneo doon, pumangalawa naman ang 26-anyos na si Obiena sa ISTAF Berlin Tournament, Linggo.
Nakuha ni Obiena ang 5.81 metro upang makuha ang ikalawang puwesto sa likod ni Meno Vloon ng Netherlands na nagtala naman ng 5.88 metro.
“Here in Berlin with 5.81m. A few more competition before we call it a season. Let’s keep pushing and keep fighting,” ayon naman sa post mismo ni Obiena sa kanyang Facebook page.
Nitong nakaraang linggo ay sunud-sunod ang pananalasa ni Obiena kung saan noong Sabado lamang nang maungusan niya ang mga higante ng pole vault sa buong mundo na sina Armand Duplantis ng Switzerland at si Chris Nielsen ng USA.
Nanguna si Obiena sa Brussels Diamond League sa Belgium matapos na lundagin ang 5.91 meters.
Si Obiena ay 1 week magpahinga bago sumabak sa Golden Fly event sa Schaan, sa Sept. 11.