Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang interview ni Gary Valenciano, sinabi niya na hindi isyu sa kanya ang network war. Noong hindi pa kasi nagsasara ang ABS-CBN 2 ay pinagsasabong ito at ang GMA 7, at ang kani-kanilang talents, na kung sino ang mas maganda ang programming, at sino ang mas sikat na mga artista.
Si Gary V ay sa mga shows ng Kapamilya network napapanood.
Sabi ni Gary,”I’ll share with you competition that kept me on my toes for many years. It wasn’t station affiliation, it was with this guy named Martin Nievera.
“He was forever my competitor! Now, the thing is, he’s a balladeer and I do a lot of upbeat songs and people will compare us all the time.
“And even if we were different, it was the kind of competition that brought out the best in us.”
Patuloy niya,”I think it’s the same thing with AOS (All Out Sunday) and ASAP, we’re not looking over our shoulders para makita namin kung ano ang ginagawa nila.
“I think they are also doing the same thing, they just know there is another show on the other side and we just have to be on our toes all the time.
“I don’t care what anybody says, but at least in my heart, I’m not in ASAP to show who’s better.
“I’m in ASAP to be at my best. And if, in a subconscious way, we do that to the other artist in AOS, it means we’re actually helping each other without knowing it,” paliwanag pa niya.
Sina Gary at Martin ang mahigpit na magkalaban sa popularity bilang singers noong 80’s. Pareho silang sikat na sikat that time. Pero gaya nina Nora Aunor at Vilma Santos na naging magkalaban din sa popularity noon, na naging magkaibigan at magkumare, naging magkaibigan din naman sina Gary at Martin. Itinuring nilang healthy competition lang ang pagiging magkaribal nila sa polularidad noon.
***
NAPANOOD namin ang latest vlog ng hinahangaan naming aktres na si Maricel Soriano. Ang topic o diniscuss niya roon ay tungkol sa kanyang mga first, na tinawag na o ang title ay Game of First.
Ang nagtatanong sa kanya ay ang manager niya na si Biboy Arboleda, pero boses lang nito ang naririnig, hindi siya on cam.
Sa unang tanong sa Diamond Star kung ano ang kanyang first movie, ang sagot niya ay”First movie na ginawa ko, under Sampaguita Picture, ang title nung movie ay My Heart Belongs To Daddy starring Ben Medina, Norma Blancaflor, Aurora Salve and Snooky. Directed by Mar S. Torrez, 6 years old lang ako noon.
Si Maricel ay gumanap na nakababatang kapatid ni Tirso sa pelikula na namatay.
Sa tanong naman kung ano ang kanyang first series na nagawa ay hindi na raw maaala ni Maricel
Pero sa pagkakatanda ko, since isa akong Maricelian, ang unang serye na ginawa niya ay yung Vietnam Rose mula sa ABS-CBN 2.
Ang first onsceen kiss niya ay ang dating ka-loveteam at karelasyon na si William Martinez sa pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit mula sa VH Films.
Hindi naman sinagot ni Maricel kung sino ang first off screen kiss niya. Katwiran niya na natatawa ay bading na raw kasi ito ngayon.
Sa tingin namin ay artista ang tinutukoy ni Maricel kaya ayaw niya itong pangalanan.
Ang unang kaibigan na gusto niyang tawagan o ite-text kapag gusto niyang umiyak ay si Vice Ganda na itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz.
May drama raw kasi siya sa buhay na kapag malungkot siya ay naiisip niyang magpakamatay. Isang tawag niya lang daw kay Vice noon ay pumunta na ito agad sa bahay niya na naka-costume pa. At kinausap/kinomport siya ng komedyante.