Advertisers

Advertisers

Max at Rhian ginamit ang karisma para mambarat sa palengke

0 291

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ni Rhian Ramos, naimbitahan ng Kapuso actress si Max Collins na kumasa sa Palengke challenge.
Sa dare ni Rhian, kailangan nilang mamalengke ni Max ng ingredients ng matotokang pagkain na ihahanda nila sa hapag-kainan.
Ani Rhian, hindi raw talaga siya namamalengke kaya wala siyang ideya ng galawan ng presyo sa mercado publico.
Ayon naman sa dalawang aktres, pareho raw silang mahilig sa Pinoy dishes kaya excited na sila sa palengke challenge.
Sa budget na P500 each, kailangan nilang pagkasyahin ang halaga para sa putaheng iluluto ng mother ni Rhian.
Masasabi namang timely ang nasabing challenge lalo pa’t sa panahon ngayon ay napakalaki na nang itinaas ng napakaraming bilihin dahil na domino effect ng pagsipa ng presyo ng gasolina at langis sa pangdaigdigan kalakalan.
Si Rhian ang na-assign para mamili ng ingredients ng menudo samantalang si Max naman ay kakarerin ang pagbili ng mga rekados para sa kare-kare.
Sa kalagitnaan ng pamamalengke, napagtanto ni Rhian na kakapusin na agad ang pera niya kaya naman nag-resort na siya sa pambabarat.
Nawindang din siya sa presyo ng liempo at iba pang bilihin sa palengke.
Sey naman ni Max, dapat daw ay gamitin ang ganda at konting charm para maging effective sa pakikipag-bargain.
Hirit pa niya, hindi raw dapat namamalengke si Rhian na todo naka-display ang alahas dahil iisipin ng vendor na “can afford” siya at puwede siyang tagain sa presyo.
Sa kanyang mga pinamili, may sukli pang naipon si Max na generously ay ibinigay niya na pandagdag sa budget ni Rhian.
Come preparation time ng menu sa bahay ni Rhian, iniisa-isa nila ang pinamiling mga sangkap sa mga lulutuing putahe.
Sa kanilang itemized check, nalimutan ni Max na bumili ng garlic at rice flour sa lulutuing putahe.
Dahil dito, si Rhian ang tinanghal na winner sa kanilang challenge na nakumpleto ang rekados.
Pagkatapos nito ay masaya naman nilang pinagsaluhan ang mga putaheng niluto ng mom ni Rhian mula sa mga ingredienteng kanilang pinamili.