Advertisers

Advertisers

Manila, ‘di tutulad sa Cebu sa ‘di pagsusuot ng facemask sa open spaces

0 272

Advertisers

SA gitna ng kontrobersya kaugnay ng pagpayag ng Cebu City sa hindi pagsusuot ng face masks sa labas ng bahay at open spaces at sa takot ni Health officer-in-charge Secretary Rosario Vergeire na ang ibang local government units ay maating gayahin ang hakbang na ito, nanindigan naman ang Maynila na hindi ito tutulad sa Cebu.

Ito ang maliwanag na pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna sa nakaraang regular flagraising ceremony Manila City Hall kamakailan at nanawagan ito sa mga residente ng lungsod na ioagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols, specifically, lalo na ang pagsusuot ng face masks.

“Maipaalala ko lamang po, lagi po tayong susunod sa lahat po ng panuntunan ng ating lungsod. Ang mask mandate ay nandiyan pa rin,” pagbibigay diin ni Lacuna na isa ring doktor.



“Ber months na…pasilip-silip na si Jose Mari Chan, kinakantahan na po kayo. Pero bago po tayo maging excited sa mga susunod na buwan lalo na sa paghahanda natin sa darating na Kapaskuhan, paalala lamang po…patuloy nating panatilihin ang minimum health protocols para na rin sa ating kaligtasan,” pahayag ng kauna-unahang lady mayor ng Maynila.

Idinagdag pa nito na: “Ang COVID ay nariyan pa rin sa ating paligid. Bagamat mababa na po ang munero o bilang ng COVID cases sa atin pong lungsod, wala paring tatalo sa pagiging maagap.”

Ayon kay Lacuna, iginagalang niya ang desisyon ng Cebu, gayunman ang pamahalaang lungsod ay patuloy na susunod sa dikta at pagmamalasakit ng mga ahensya ng national government lalo na sa pagtugon sa pandemya.

Sinabi pa ng alkalde na kaya naririyan ang mga protocols dahil may kadahilanan at resulta ito ng masusing pag-aaral ng mga health authorities at eksperto sa pandemya.

Matatandaan na nilagdaan ni Cebu City Mayor Michael Rama noong August 31 ang Executive Order No. 5, kung saan ang pagsusuot ng face masks sa lungsod ay non-obligatory. Ang desisyon ng pagsusuot ng facemask ay nasa kanyang-kanyang sarili na.



Ayon naman kay Vergeire ay masyado pang maaga para iabandona ang pagsusuot ng face mask. Nagpahayag din ito ng pangamba na ang ibang LGU ay maaring gumaya.

Umapela din si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa ibang local government units (LGUs) na ipagpaliban muna ang plano sa pag-aalis sa mandatory na pagsusuot ng face masks sa kanilang mga lugar dahil dadalhin pa ang usapin sa Inter-Agency Task Force.

Samantala habang sinusulat ang balitang ito ay pinayagan na ng IATF at inirerekomenda sa Pang. Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr ang boluntaryong pagsusuot ng face mask. (ANDI GARCIA)