Advertisers

Advertisers

BBM – BUILD, BETTER, MORE

0 258

Advertisers

“BUILD, Better, More” (BBM). Ito ang aarangkadang programa ng Administrasyon ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na nakikita kong magdadala ng kaluwagan sa buhay ng nakararami.

Tututok ito sa pagpapalakas, pagpapalawig at pagpapabilis ng paggalaw sa araw-araw nating pamumuhay.

Nais ni PBBM na makaluwag-luwag ang karamihan sa kanilang paghahanapbuhay. Ang paparoon at pagparito sa ating mga trabaho ay isa na ring malaking problema ng marami sa atin sa araw-araw na ginawa ng Diyos.



Nauubos ang oras natin sa pagbibiyahe pa lamang para lamang kumita at may maipakain sa ating pamilya.

Ang bulto ng BBM ay gugugulin sa paglalatag ng mga riles ng tren, na sa paniwala ng ating Pangulo ay makakagaan para sa lahat ng naghahanapbuhay.

P113.99 bilyon lang naman ang inilaan ng kanyang administrasyon para ‘imodernize’ ang ‘railway system’ ng bansa para tugunan ang sitwasyon sa transportasyon at traffic.

Pinalaki ang budget rito ng limang ulit kumpara sa P23.12 bilyong budget ng 2022 upang maipagawa ng mabilis ang paglalatag ng mga riles gaya ng karagdagang 1,200 kilometro para maisakay ang 4.5 milyon pasahero sa isang araw.

Kasama sa mapopondohan ay ang North-South Commuter Railway System; 33-kilometerong Metro Manila Subway Project; 147-kilometerong North-South Commuter Railway System; 12-kilometero ng LRT-1 Cavite Extension; 23-kilometerong MRT-7 at Common Station na mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.



Kasama din ang tinatawag na ‘larger scale railway systems’ gaya ng 102-kilometerong Mindanao Railway Project; Panay Railway Project; at Cebu railway system.

Di lang nito mabawasan ang hirap na dinaranas ng mga mananakay ng Metro Manila, kung di, ay maaari pa nitong mabawasan o mapaluwag ang buong NCR, sa maayos na pagbibiyahe ng mga residente nito. Dahil maaari nang manirahan sa kanilang mga probinsiya ang mga may trabaho sa Metro Manila kung maiuugnay ang mga biyahe ng tren sa mga kalapit probinsiya.

Tugon na rin ito sa naipangako ni PBBM noong siya ay nangangampanya pa pa lamang na tayo ay magkaroon ng ‘world-class national railway system.’

Mula sa binitawang pangako ni PBBM na ipagpapatuloy niya ang nasimulang “Build, Build, Build” program ng Administrasyong Duterte, ay gagawin niya naman ang ‘Build Better More (BBM)’ na program para tuluyan nang maibsan ang paghihirap ng karamihan sa atin, sa pagbibiyahe pa lamang para kumita.