Advertisers

Advertisers

Dapat linawin ng DILG kung ligal o iligal ang sugal sa lamay ng patay

0 2,539

Advertisers

DAPAT linawin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang panghuhuli ng pulis sa mga nagsusugal sa lamay ng patay kung ligal o iligal? O kailangan retokehin uli ng Kongreso ang batas sa illegal gambling, Presidential Decree 1602?

Tinalakay ko ito kasi nitong mga nagdaang gabi, ang mga nagsusugal sa lamay ng patay sa isang barangay sa kahabaan ng Mabuhay St., Tondo, Manila ay hinuli ng mga pulis. Kinulong ang mga ito sa Manila Police District (MPD) Station 2 sa Moriones. Ang iba nakautang ng pangpiyansa na P30K, ang ibang walang pangpiyansa… ayon umiiyak sa loob ng mabaho at mainit na kulungan!

Sabi ng mga kamag-anak ng nakulong, pumunta sila sa patay para makipaglamay. At para hindi antukin at hindi boring ang paglalamay, naglaro sila ng baraha na may pustahan, na ang “tong” ay napupunta sa kamag-anak ng pumanaw. Malaking tulong ito sa mahihirap na pamilya ng namatayan. Yung mayayamang namatayan naman kasi ay hindi nagpapasugal dahil mostly ay sa punerarya ang burol ng kanilang yumaong mahal sa buhay.



Ang sugal sa lamay ng patay ay naging tradisyon na ng kulturang Pinoy lalo ng maralita, depende nga lang sa relihiyon ng pamilya ng yumao. May relihiyon kasi na bawal sa kanila ang sugal.

Ang lamay na walang sugal ay malungkot at halos walang pumupunta, kung may pumunta man ay hindi nagtatagal. Kadalasan ang pamilya nalang ang nagbabantay sa yumao sa magdamag. Opo!

Dahil nga walang malinaw na direktiba ang DILG sa PNP ukol sa legalidad ng sugal sa lamay sa patay, may ilang pulis na nagsasamantala. Na kapag nakitang maraming pera na nakalatag sa lamesa ng sugal ay kanila itong dinadamba at bibitbit ng ilang tao sa mga nagsusugal kahit nanonood lang ito.

May ibang opisyal naman ng PNP na malawak ang pang-unawa, pinapayagan nila ang sugal sa lamay ng patay dahil nga naging tradisyon na ito ng ating kultura ika nga.

Pero mas mainam na magkaroon ng linaw ang isyu ng legalidad ng sugal sa mga lamay ng patay. Kung dapat ba itong payagan o ipagbawal? Dapat may konkretong batayan sa bagay na ito. Dapat maglabas ng direktiba ang DILG ukol dito or retokehin uli ng Kongreso ang batas sa illegal gambling, linawin kung ang sugal sa lamay ng patay ay ligal o iligal. Mismo!



***

Ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na dinala siya ni Indonesian President Widodo sa isang mall sa Jakarta kungsaan ang mga nagtitinda ay pawang maliliit na vendors at ang mga itinitinda ay ang kanilang mga sariling produkto.

Gusto raw ito gawin ni PBBM sa Pilipinas. Ayos!

Naalala ko si Atty. Alex Lopez nang maging guest namin siya sa National Press Club Meet the Press noong kumakandidato siyang mayor ng Maynila. Sinabi niyang kapag naging mayor siya, ang gusto niya mangyari sa mga vendor sa bangketa/kalye ay ipapasok sa mall at bibigyan pa ng puhunan, para mawala ang mga ito sa bangketa na sagabal sa commuters. Which is ginagawa na pala ito sa Indonesia.

Ang hindi ko lang gusto sa sinabi ni PBBM ay magpapaturo raw tayo sa Indonesia ng tamang pangingisda. Aba’y mas magaling mangisda ang mga Pinoy kesa Indons. Opo!

Ang problema ng ating mga mangingisda ay walang suporta sa gobyerno, habang ang Indonesian fishermen ay buo ang suporta na nakukuha sa kanilang pamahalaan. Mismo!