Advertisers

Advertisers

ES Rodriguez absuelto sa illegal ‘SO No 4’; at road clearing ng MMDA

0 193

Advertisers

INILABAS na nitong Huwebes ng Senate Blue Ribbon Committee ang findings ng kanilang ginawang imbestigasyon sa kontrobersiyal na ‘Sugar Order No. 4’ para sa importation ng 300 metric tons ng asukal.

Tulad ng ating inaasahan, absuelto sa kaso si Executive Secretary Vic Rodriguez.

Samantalang pinakakasuhan sa Ombudsman ang mga nagbitiw na opisyal na sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, Sugar Regulatory Administration (SRA) administrator Hermenegildo Serafica, SRA Board Members Roland Beltran at Aurelo Valderama ng ‘Grave Misconduct’ at ‘Gross Neglect of Duty’ sa pagpirma sa naturang illegal SO No. 4.



Sinabing illegal ang SO No. 4 dahil wala itong pirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. as Chairman ng SRA bilang tumatayong Agriculture Secretary.

Si Sebastian ang pumirma sa SO No. 4 “on behalf of the President” na hindi raw ipinaalam kay PBBM. At pumirma rin dito sina Serafica, Beltran at Valderama.

Ikinatuwiran ni Sebastian na binigyan siya ng ‘special power’ ni Rodriguez para sa pag-import ng agricultural products at batid daw ng Pangulo ang planong pag-angkat ng 300 metric tons ng asukal.

Pero iginiit ni Rodriguez na ang hinihingi nila kay Sebastian at sa SRA ay plano palang, hindi ang paglabas agad ng importation permit.

Umabot sa apat na pagdinig ng Senado ang kontrobersiyal ‘SO No. 4’ na ito, at the end absuelto ang inginunguso ng lahat na si ES Rodriguez.



Si Rodriguez kasi ang nagbuking sa SO No. 4, ipinagbigay alam niya kay PBBM kungsaan nagulat at nagalit ang Pangulo.

Kung nagtagumpay ang pag-import sa 300 metric tons ng asukal, kikita raw ng mahigit P600 million na komisyon ang mga nasa likod nito, sabi ng isang senador na sipsip kay PBBM. Samantalang magdurusa ang ating local sugar makers dahil ‘di na sa kanila makakukuha ang gobyerno.

Anyway, subaybayan natin kung may kahihinatnan sa kaso nina Sebastian, Serafica, Beltran at Valderama sa Ombudsman.

Dapat isailalim din sa lifestyle check ang apat na ito dahil matagal nang may isyu laban sa kanila. Mismo!

***

Isang bagahe raw ang ipapadala sana sa isang motorboat mula sa Batangas to Simara island, Romblon.

Ang bagahe na sinasabing gatas ay balot na balot raw. Nang gustong makita ng crew ng motorboat ang laman ng bagahe ay bigla raw itong binawi ng tao at itinakbo. Hinala ng crew ng motorboat ay illegal drugs ang laman ng bagahe.

Ang bagahe, ayon sa mapagkakatiwalaang source, ay nakapangalan sa isang “Mr. Falcunitin”, umano’y “tao” ng isang politiko na nakulong noon sa kasong droga.

Sabi pa ng source, talamak na ang droga sa kanilang isla

Dapat talaga ay magkaroon na ng X-ray machine sa mga pier kahit sa mga isla. Mismo!

***

Lamang at puspusang nagsasagawa ng road clearing ang MMDA sa Manila, baka puedeng pasadahan nyo rin ang Zagagosa St. sa Delpan, Tondo, mula sa Gat Andres Hospital hanggang tapat ng Almario Elem. School. Isang lane nalang ang nadadaanan dito, wala nang bangketa, puno ng obstructions. Ang mga tao sa gitna na ng kalsada dumaan. Nakatimbre daw kasi sa MTPB ito!