Advertisers

Advertisers

Tennis prinsesa!

0 289

Advertisers

Sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon tayong mga Pinoy ng kampeon sa prestiyosong US Open. Mabuhay Alex Eala, ang nagwagi ng girl’s singles competition noong isang araw. Napakasarap mapakinggan ang sariling wika sa kanyang talumpati sa Flushing Meadows sa New York City.

“ Maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin, buong puso ko itong ipinaglaban hindi lang para sa akin kundi para sa kinabukasan ng tennis sa Pilipinas, so di ko lang ito panalo, panalo nating lahat ito,” wika ng 17-anos na tennis sensation.

***



Ayon kay Jeannie Buss, team owner ng LA Lakers may direct line of communications daw si LeBron James sa kanya.

Nais ng anak ng Jerry Buss, founder ng prangkisa na sa kanila magretiro si LBJ.

Aba dapat lang nag-uusap kung kailangan ang star player at may-ari para maging maganda ang kanilang relasyon.

Walang magaganap na biglaang hihingi ng trade na super cager gaya ng nangyari sa Brooklyn at Kevin Durant. Nang lumaon at nagdiyalogo eh di nagkaayos din ang magkabilang panig.

Kung sabagay si LeBron kahit noon pa man hindi humiling na ipagpalit siya. Oo umaalis lang pagkatapos maging free agent at kung saan hindi na siya masaya.



Kabaligtaran naman niya ang ex-partner na si Kyrie Irving.

Nagpatrade si Irving mula Cleveland papunta sa Boston nang lumaki ulo noong 2017.

Hindi naman siya tumagal sa Celtics at pumirma later sa Brooklyn.

Nakipag-tandem kay Durant sa Nets at nag-ask muli ng trade ilang buwan na nakaraan.

***

Dalawa hangang tatlong koponan lang pwede mamili ang coach ng Gilas Pilipinas para sa November window ng FIBA qualifiers.

Yan napagkasunduan nina Kume Willie Marcial at Coach Chot Reyes para sa mga laban kontra Jordan at Saudi Arabia na parehong lalaruin sa ibayong dagat.

Hindi kasi ihihinto ang pro league sa period na yan. Wala pa naman si Jordan Clarkson sa panahon na yan kaya hirap na naman tayo buuin ang best possible team.

Anyway baka sabihin na naman ni Reyes na wala naman tayong intensyon manalo dahil pasok na tayo sa World Cup 2023 bilang host.

***

Sa Boomer”s Banquet sa ika-17 ng buwang kasalukuyan ay magiging bisita natin nina Bob Novales at George Boone ang mga Growling Tigers na mga miyembro ng rare na 4-peat.

Inaasahan na kasali sa episode ng lingguhang podcast sina Rey Evangelista, Richard Yee, Patrick Fran at si Chris Cantonjos, ang tanging kasapi sa apat na taon na nagkampeon ang mga taga-España Blvd.

Makakatuwang natin sa prograa ang dating Inquirer Libre editor na si Chito de la Vega.