Advertisers

Advertisers

Irelyn Arana ‘slowly but surely’ ang singing-recording career

0 1,036

Advertisers

SLOWLY but surely. Ganyan maihahalin tulad ang singing career ng mahusay na recording artist ng Viva na si Ms. Irelyn Arana.
Nakabase sa Chicago si Irelyn pero pinakikita niya ang hilig sa pag-awit sa paglabas sa ilang events kung saan siya naiimbitahan.
Tuwing Sabado rin ay may Kumu show si Irelyn na pinamagatang The Rocks and Rozz Show kasama ang Rock Star Diva na si Rozz Daniels kasama ang mga talented young singers na sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista at Derf Dwayne. Naroon din ang inyong lingkod para magbigay naman ng mga balitang-showbiz.
Ibinalita rin ng magaling na singer na tapos na niyang i-record ang kanyang mga awiting Nagiisa at Together at hinihintay na lang ang pagre-release nito sa ilalim ng Viva Records.
Sa taong 2023 ay balak ding umuwi ng Pinas ni Irelyn para i-promote ang kanyang mini-CD at magkaroon ng show kasama si Rozz at iba pa.
Tsika nga ni Irelyn, umaasa anya siya na tatangkilikin ng music lovers ang kanyang mga kanta dahil pinaghandaan niya ang mga ito.
Habang wala pa dito sa bansa, abala si Irelyn sa pag-cover ng songs sa Facebook at sa kanyang YouTube channel.
May mga okasyon na naiimbitahan siya sa Amerika at doon ay nailalabas niya ang talento sa pagkanta.
Marami rin ang naaaliw sa iba’t ibang kanta niya na buong puso ang kanyang rendition.
Abangan ang mga gagawing show ni Irelyn sa pagbabalik-Pinas niya sa susunod na taon.
Maari nyo rin siyang sundan sa FB, YT at Instagram at magbigay/maglagay ng mga mensahe. (Blessie K. Cirera)