Advertisers
Naaresto ang pangunahin salarin sa pagpatay sa 16 anyos na dalagita na natagpuan sa ilalim ng tulay sa Trece Martires, Cavite.
Kinilala ang nadakip na si Elden Alegria y Nacesito, 33, construction worker ng Sunshine Ville, Brgy Cabuco, Trece Martires Citym Cavite.
Inatesto rin ng mga otoridad sina Joy Necesito y Alegria, 37; at Pepito Baluran, 51 anyos na kapwa taga Brgy. Manuyan, San Jose del Monte City, Bulacan dahil sa pagtulong umano sa pagtatago ng suspek
Ayon kay Col Christopher Olazo, OIC, Cavite, PPO, 5:05 ng hapon ng madakip ng pinagsanib na elemento ng Trece Martires Police Station at San Jose Del Monte Police Station ang suspek sa Sitio Aldaba Hills, Brgy. Manuyan, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Nabatid na natagpuan walang buhay ang biktimang si Joy sa sa ilalim ng tulay sa Brgy. Cabuco, na nakitaan ng sugat sa leeg at ulo noong Sept 12,2022.
Umalis ng bahay ang biktima upang pumumta sa kaibigan 10:00 ng gabi at hindi na nakauwi.
Kinabukasan laking gulat ng pamilya sa balitang natagpuan patay ang biktima sa ilalim ng tulay.
Narekober ng mga otoridad sa pimagyarihan ng krimen ang isang kulay asul na brief, patalim na may bahid ng dugo, pulang sumbrero na may tatak na “Timberland”, isang kulay pink na face towel at dalawang pares ng kulay asul na tsinelas.
Sa patuloy na imbestigasyon, kinumpirma naman ni Emilda Aberilla live in partner ni Alegria na pag-aari nito ang mga narekober na mga kagamitan sa pinagyarihan ng krimen at itinuro kung saan ito nagtago.
Sa kasalukuyan nasa ilalim ng kustodiya ang tatlo ng Trece Martires City pulis at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso.(Mark Obleada)