Advertisers
Umapela ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Office of the President (OP) na bigyan ng executive clemency ang 301 persons deprived of liberty (PDLs) na karamihan ay matatanda at may karamdaman.
Ang mga ito ay inirekomendang palayain sa mga nakalipas na administrasyon.
Umaasa si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta na maaksyunan ang kanilang hiling.
Sinabi ni Acosta na ang listahan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na inirekomenda para sa executive clemency ay nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla at inihatid na ni Justice Undersecretary Deo L. Marco sa opisina ni Executive Secretary Victor D. Rodriguez.
Nalungkot si Acosta at nadismaya matapos makatanggap ng impormasyon na ang listahan ay hindi pa naipapasa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pag-aaral at aksyon.
Ipinunto niya na ang mga nasa listahan ay sumailalim na sa proseso upang matukoy kung sila ay kuwalipikado para sa executive clemency.
Nagtataka lamang ang PAO chief kung bakit may katagalan sa transmittal ng mga papeles ng PDLs papunta sa lamesa ni Pangulong BBM.
Ikinuwento niya na noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, isang person deprived of liberty na 70 taong gulang na kuwalipikado para sa executive clemency ang napalaya.
Dagdag pa niya na ang executive clemency ay ang kapangyarihan ng Pangulo, sa ilalim ng Konstitusyon, na magbigay ng pardon, maging ganap man o may kondisyon, gayundin ang pagbawas ng jail term.
Ginagawa ang pagkakaloob ng pardon sa mga PDLs sa mga ganitong mga buwan kung saan nalalapit na ang Kapaskuhan.
Layon din nito na ma-decongest ang mga kulungang punung-puno na ng mga inmates.
Pabor dito ang iba pang correction officials dahil sadyang napakarami na ang mga bilanggong maysakit at matatanda na at ang iba nga ay tapos na ang pagbuno ng kanilang sentensiya ngunit dahil sa walang kakayahang asikasuhin ang kanilang mga papeles at walang kamag-anakang mag-aasikaso sa kanilang clemency ay nananatiling nasa loob ng mga piitan.
Ayon na rin kay BUCOR Director General Gerald Bantag, kulang na kulang ang kanyang tanggapan sa serbisyo ng mga abogado.
At present ayon pa kay Bantag, dadalawa lamang ang tumatayong manananggol o lawyer ng buong BUCOR kung kaya napakalaki ng backlog sa bilang ng mga PDLs na dapat sanay napagkalooban na ng presidential clemency na nakatadhana sa batas.
Going back sa hinaing ni PAO chief, Atty. Persida Acosta sa tila delay na nangyayari sa opisina ni ES Victor Rodriguez sa pagtransmit ng listahan ng mga maysakit at may edad ng PDLs sa Office of the President, lubha itong nakakabahala na at kinainisan ng marami sa mga opisyal ng Bureau of Corrections at Justice Department kung saan matiyaga at masinop na na-review na ang mga kaso ng mga PDLs na ito ngunit nilulumot sa opisina ni ES Rodriguez.
Actually, pang ilan na ba itong reklamo kay ES Rodriguez ng mga kapwa opisyal niya sa gobyerno?
Very recently, dalawang senador in the persons of Hons. Riza Hontiveros at Koko Pimentel ang direktang iniuugnay ang Executive Secretary sa sugar fiasco.
This time around, ang banat at lehitimong hinaing ni PAO chief Acosta ang masasabing strike 3 na para kay ES Rodriguez.
Sa larong base ball, “STRIKE 3“ means you’re out.
On the way out na nga ba si ES Rodriguez bilang alter ego ni PBBM?
Sunod-sunod na kasi ang salto ng mama eh.
Senyales nga ba nang pagiging iresponsable nito at incompetent sa posisyon?
More on these sa mga susunod nating pagtalakay.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com