Advertisers
Maswerteng nakaligtas sa pamamaril ang limang empleyado ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Palompon, Leyte nitong Miyerkoles.
Sa ulat, nangyari ang pamamaril sa isang NHA housing project sa Brgy. Cangmoya.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Palompon PNP, naka-duty bilang watchmen sa entrance ng housing project ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng tatlong lalaki na hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad.
Nakadapa at nakatago umano ang mga biktima at walang nasaktan sa kanila sa pamamaril.
Agad tumakas ang mga salarin papuntang Brgy. Magsaysay sa Palompon.
Nakuha sa lugar ang 22 na basiyo ng bala ng caliber .45 pistol.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril, at tinutugis na nila ang mga suspek.