Advertisers
PATAY ang isang sundalo nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa Parang, Maguindanao nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Corporal Al Muiz Dima, nakatalaga sa Intelligence and Security Unit ng Philippine Army Intelligence Regiment, at residente ng Barangay Magsaysay, Parang.
Batay sa report ng Parang Municipal Police Station, 1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng biktima.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakarinig ng kaluskos ang sundalo sa labas ng kanyang bahay kaya lumabas ito para alamin. At dito sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima ng kalibre .40, sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.