Advertisers
LIMANG sundalo ang nasugatan nang bumangga sa isang bahay ang sinasakyan nilang army truck sa Calapan City, Oriental Mindoro, Lunes ng gabi.
Sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng truck habang binabagtas ang Strong Republic Nautical Highway sa Barangay Santa Isabel.
Ayon kay Colonel Anthony Ramos, hepe ng Calapan Police, una munang nabangga ng truck ang barrier bago sumalpok sa isang bahay.
Tulong-tulong ang mga residente at rescue team para makuha ang mga sugatang sundalong naipit sa loob ng sasakyan.
Nawasak din ang bahay na nasalpok ng truck at nakaligtas ang matandang lalaking may sakit na nagpapahinga sa kuwarto.
Pauwi na sa kanilang kampo sa Puerto Galera ang mga sundalo na miyembro ng Philippine Army 76 Infantry Brigade nang mangyari ang aksidente.