Advertisers
PROGRAMA sa grassroots level ng swimming at table tennis ang bibigyan ng pagpapahalaga sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ngayong Huwebes, Setyembre 22 sa Behrouz Restaurant, 50 Scout Tobias corner Scout Fernandez, Timog, Quezon City.
Tampok ang pinakabagong table tennis protegee na si Khevine Cruz na kamakailan lamang ay nakapagtala ng kasaysayan para sa bansa nang makamit ang silver medal sa U-11 boys’ singles category ng World Table Tennis (WTT) Youth Contender tournament sa Fashion Island Mall sa Bangkok, Thailand.
Ang 11-anyos na si Khevine ang nakababatang kapatid ng table tennis sensation na si Kheith Ryhnne. Sa edad na 15-anyos, si Kheith Rhynne ang pinakabatang naging miyembro ng Philippine Team nang sumabak sa Vietnam Southeast Asian Games sa nakalipas na taon.
Makakasama niya si Philippine Table Tennis Foundation, Inc, president Ting Ledesma sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), PAGCOR at Behrouz Restaurant.
Bibigyan naman ng kasagutan ni swimming coach Chito Rivera ang mga nakalinyang programa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA), tampok ang Novice meet sa darating na weekend sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Si Rivera ay head coach din ng Jose Rizal University varsity swimming team.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood din sa TOPS ‘Usapang Sports’ official Facebook page via livestreaming gayundin sa Sports Channel 45 ng pinakabagong PiKo (Pinoy Ako) online apps.