Advertisers
KINUHA ng Akari Chargers ang veteran international players na si Prisilla Rivera bilang import sa parating na PVL, Reinforced Conference.
Ang 37-year old multi-titled spiker ay dadalhin ang kanyang 22 taon na karanasan sa Premier Volleyball League tournament.
Si Rivera ay nagwagi ng 13 MVP plums, 17 club championships, 12 gold medals sa Dominican Republic, at 3 Olympic appearance.
Ang 6-foot-1 winger ay nakapaglaro sa 18 clubs sa boung Europe, Asia, at South America, pinakamatagal sa Indonesia sa Jakarta Pertamina Energi’s 2022 pro league campaign.
Bilang Dominican sporting icon, ang dating national team captain ay kinilala nang kanyang bayang kinalakhan Santo Domingo na kanilang” meritorious daughter” para sa kanyang pambihirang contributions sa Dominican sports.
Ang Dominican star ay makakasama ang batang pangkat ng Akari ninaJho Maraguinot, Trisha Genesis at Erika Raagas.