Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MASAYA si Wilbert Ross dahil namamayagpag siya sa larangan ng sexy comedies sa Vivamax movies.
Ani Wilbert, iyon daw naman talaga ang image na gusto niyang i-project sa pag-aartista lalo na nang mabigyan siya ng biggest break sa pelikulang “Boy Bastos.”
Aware rin daw siya na mula nang maghubad siya at magpakita ng puwet, may mga feedback na pinapantasya na siya ng mga kababaihan at sangkabekihan.
Aniya, okey lang daw kung may naeelya sa kanyang pagganap sa naughty roles.
Ibig daw sabihin nito ay epektibo siya bilang aktor.
Ibang klaseng high din daw ang nararamdaman niya kapag may nakaka-appreciate rin sa kanyang musika na ang iba ay naging bahagi pa ng soundtrack ng mga pelikulang kanyang pinagbidahan.
Nabo-boost din daw ang confidence niya at mas nai-inspire pa siya para pagbutihin pa ang kanyang craft kapag may naaaliw sa kanyang brand of humor sa sexy at comic roles na kanyang binibigyang buhay.
Hirit pa niya, kumpara sa kanyang role sa movie, never pa rin daw niyang ginawang tuhugin o pagsabay-sabayin ang limang babae sa tunay na buhay.
Kumpara rin daw sa kanyang maelyang role bilang Dick sa 5-in-1 (Patay Kang Manyak Ka!), never pa raw siyang napagkamalang manyak.
Aniya, ang impression daw kasi sa kanya ay mukhang virgin at inosente sa mundo.
Hindi naman niya ikinaila na physically draining sa kanya ang pakikipag-sex sa limang babae sa pelikulang 5-in-1.
Katunayan, feeling daw niya ay muntik na siyang maubos.
Pagkatapos ng sexy movie na Boy Bastos at seryeng High on Sex, muling mapapanood si Wilbert sa pelikulang 5-in-1 na binibigyang buhay niya ang papel ng babaerong CEO ng isang coffee business.
Mula sa direksyon ni GB Sampedro, tampok din sa pelikula sina Angela Moreno, Debbie Garcia, Jela Cuenca, Ava Mendez at Ross Van Ginkel na mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 23.