Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAY dalawang matinding reason kung bakit super excited si Barbie Forteza sa latest seryeng ginagawa niya, ang “Maria Clara at Ibarra”.
Ang una ay first time niyang makakatrabaho ang kanyang celebrity crush na si Dennis Trillo, kahit minsan ay nagsama na rin sila sa mga guesting sa show ng GMA 7 at ang pangalawa ay kasama rin sa naturang fantaserye ang best friend niyang si Julie Anne San Jose.
Keber ni Barbie kahit pa may dyowa na siya ngayon, andun pa rin ang kilig factor pag nakakasama niya si Dennis.
“I’m very proud na finally, naka-work ko na siya kasi juice ko, alam mo ‘yan! Ever since siya naman talaga ang gusto kong maka-work, dreams do come true!,” say ni Barbie.
Pahayag ni Barbie na gaganap siya bilang Maria Clara na Gen Z o si Klay na Isa siyang estudyante na magically ay magta-time travel sa nobelang ‘Noli Me Tangere’ ni Gat Jose Rizal. At dahil isang period serye ay costume to the max ang byuti ni Barbie na tila dusa sa kanya dahil sa ang bibigat ng mga kauotan niya.
“Very mabusisi si Direk Zig kaya I’m very excited. Also ‘yung costumes namin, grabe legit na legit! Ang init, ang bigat! Totoong totoo siya,” dagdag na say ni Barbie.
***
MARAMI ang nakapuna lalo na ang mga follower ng sex nymphet na si Angeli Khang na nag-level-up kahit paano ang kanyang acting skill sa papatapos na original series niyang ‘Wag Mong Agawin Ang Akin” sa mga Vivamax Apps.
Sa mga naunang nakapanood na ng bago niyang movie na streaming na starting this September 30 sa Vivamax, ang “Girl Friday” kasama sina Jay Manalo at Jela Cuenca, ay nakikitaan na si Angeli ng malaking improvement sa aktingan. Ano naman kaya ang masasabi ni Angeli sa positibong komento sa kanyang pag-arte?
“I still don’t think of me as a like a professional na ‘yung talagang marunong na sa pag-acting kasi it’s a learning process. Every movie is a learning process. Kaya, it’s naging different naman ‘yung pananaw ko sa pag-acting pero, much, much, wider and knowledgeable,” say ni Angeli.
Ang ‘Girl Friday’ ay istorya ng haciendero na ginampanan ni Jay Manalo at ng asawa niya na si Angeli Khang na tumutulong sa kanilang mga tauhan. At isa nga rito ay si Jela Cuenca na naging girl friday ng mag-asawa para makabayad ng utang.
Sa naturang movie ay magkakaroon ng threesome sina Angeli, Jay at Jela. Ano kaya ang feeling ni Angeli sa girl to girl love scene nila ni Jela?
“Actually, it’s much easier with girl-to-girl kasi kabisado mo na lahat. Kung anong meron siya, meron ka rin. Walang kapaan at kung ano ang puwedeng gawin,” dagdag na saad ni Angeli.