Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PAGKATAPOS ng pitong taon, balik-tambalan ang reel and real life showbiz couple na sina Xian Lim at Kim Chiu sa pelikulang “Always” ng Viva Films na palabas na sa mga sinehan simula sa Setyembre 28.
Ayon kay Kim, na-miss niya ang pakikipagtrabaho kay Xian.
Huling pelikula nilang pinagsamahan ang MMFF entry na “All You Need Is Pag-ibig” noong 2015.
Last teleserye naman nila sa ABS-CBN ang melodramang “Love Thy Woman” noong 2020.
Sey pa ni Kim, ipinagdasal din daw niyang magkaroon ng katuparan ang kanyang wish na makasama uli ang nobyo, lalo na’t may clamor din ang KimXi fans sa kanilang reunion movie.
“After kasi ng teamup namin ni Xian, na-identify ako sa horror movies, so it’s a breather on my part. I’m glad na nabigyan uli ako ng choice to do dramas like this,” ani Kim. “Iyon namang mga ginawa namin ni Xi, mga romcom siya at comedy siya, so ibang level naman ito,” dugtong niya.
Excited din daw siya dahil ito ang kauna-unahang movie niya sa Viva Films.
“Akala ko noong una, hindi posibleng mangyari, pero posible pala lalo na kung winish mo,” saad niya.
Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role ni Anna sa movie dahil isa siyang faney ng K drama fans.
“Noong malaman ko na adaptation ng Korean movie ang gagawin ko, na-excite agad ako kasi fan din ako ng Kdrama,” sey ni Kim.
Masaya rin daw siya dahil noong pansamantala silang nagkahiwalay as a loveteam ng boyfie ay malaki ang in-improve nila sa isa’t isa.
“Sa case ni Xian, nakita ko iyong maturity niya. Nakakapagdirek na siya. Ako naman, I’ve branched into hosting, singing, my YouTube na rin ako, ang daming naging improvements at rooms for growth,” pahayag ni Kim.
Bulalas pa ni Kim, pangarap din daw niya na maidirek siya ng kanyang nobyo in the future.
Katunayan, advantage rin daw ito minsan kapag magkaeksena sila.
“Maganda din na director na siya ngayon so napapaalala niya na, ‘Oy bulag ka dito tapos sabi ko ay oo nga pala sorry.’ Sorry akala ko kasi nagkukwentuhan lang tayo. We are at that stage where we feel comfortable with each other so sometimes kasi antagal ko na rin na nag-stop ng acting, so he would remind me,” esplika niya.
Ang “Always” ay umiinog sa kuwento ng pagmamahalan ng isang dating boksingero at bulag na telemarketer na ginampanan nina So Ji_su at Han Hyo-joo sa original Korean version.
Ang Philippine remake nito ay idinirek ni Dado Lumibao mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario.