Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, nagdeklara ng giyera sa kriminalidad sa Maynila

0 193

Advertisers

“HINDI porke’t babae ang nakaupong mayor ay pupuwede na ang kalokohan ninyo sa Maynila.”

Ito ang deklarasyon ng digmaaan kontra kriminalidad sa kabisera ng bansa ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pagpapahayag niya ng pagkamuhi sa isang rape suspect na iprinisinta sa media kamakailan ni Manila Police District (MPD) Director Gen. Andre Dizon.

Ayon kay Lacuna, habang ang mga kababaihan ay kadalasang sinasabihan na mahina, ang nais naman niya ay kamay na bakal ang umiral laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lungsod.



Binigyang diin ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na walang puwang ang mga kriminal sa lungsod at naniniwala din siya na ganito rin ang saloobin ni Dizon at gagawin nito ang lahat upang maitaboy ang lahat ng elementong kriminal sa labas ng Maynila.

Partikular na binanggit ng lady mayor ang pagkakaaresto ng MPD ng isang 61-anyos na lolo na ayon sa alkalde ay nagsinungaling nang sabihin nito na ka live-in partner siya ng ina ng tatlong menor de edad na kanyang ginahasa pero nagawang makapagtago sa loob ng tatlong taon. Ang suspek ay kapitbahay lamang ng mga biktima.

Naniniwala si Lacuna na ang isang malaya sa kriminalidad na lungsod ay susi sa pag-unlad, dahil marami ang mga negosyanyanteng magtatayo ng negosyo dito at magreresulta ito sa pagkakaroon ng mga trabaho na tuloy-tuloy sa pag-unlad ng isang lungsod.

Ito rin ang dahilan kung kaya’t suportado ni Lacuna ang MPD sa lahat ng makakaya nito.

Maliban pa sa monthly allowance ng 5,000 MPD personnel, hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga pribadong kumpanya na magdonate ng mobile cars, motorcycles at iba pang kagamitan na makakatulong sa gawain ng mga kapulisan.



Nabatid mula sa alkalde na nakakatanggap siya ng hourly updates ng mga huli at nareresolbang kaso ng ibat-ibang units ng MPD. (ANDI GARCIA)