Advertisers

Advertisers

PANUKALANG BADYET NG CHR, TINUKURAN NI BONG GO

0 174

Advertisers

BINANGGIT ang kahalagahan ng pagpapabuti ng mga mekanismo para protektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pasuporta sa panukalang budget ng Commission on Human Rights.
Sa kanyang manipestasyon sa budget hearing ng Senate committee on finance noong Miyerkules, kinilala ni Go ang masigasig na pagkilos ng CHR para mapabuti ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa.
Hinimok ng senador ang ahensya na higit pang paigtingin ang kanilang pagsisikap at isulong ang mas holistic na diskarte na magtitiyak sa pangangalaga sa karapatang pantao, kabilang sa mga biktima ng krimen na dulot ng iligal na droga.
“We are very much aware that the past administration became a subject of many criticisms from the Commission on Human Rights. Wala naman pong problema yun, dahil trabaho ninyo po talaga. It is your mandate po. It is your agency’s task and it is your duty to fight for the human rights of every person,” ayon kay Go.

“Ngunit hinihimok ko rin kayo na tingnan ang mga karapatan ng ibang tao. Ang mga nabiktima ng mga kriminal. Karapatan rin ng mga Pilipino na mabuhay nang tahimik at mapayapa. Karapatan nila na hindi masayang at hindi manakaw ang kanilang pera, lalung-lalo na po ‘yung mga karapatan ng mga Pilipino na gusto lang pong maglakad sa gabi na hindi nasasaktan,” iginiit pa niya.

Binigyang-diin din ni Go ang pangangailangang protektahan din ang mga karapatan ng mga alagad ng batas na inilalagay ang sariling buhay sa panganib para protektahan ang kapwa Pilipino.



“Ito po ay karapatan rin po nila, tulad ng lahat ng Pilipino. Balansehin po natin lahat at maging pantay ang pagtingin natin sa lahat. Lalung-lalo na po ‘yung mga nasa gobyerno na ginagawa lang po ang kanilang trabaho, in line with the performance of their duties.”

Sa kabila ng mga inabot na batikos, ang kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at kriminalidad ay nagbunga ng positibong resulta. Iniulat ng Philippine National Police na ang bilang ng krimen sa bansa ay bumaba nang malaki o 73.76% mula 2016 hanggang 2021.

Sinabi ni Go na magiging kaalyado niya ang CHR hanggang nagpapatuloy ito sa pangako nitong susuportahan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

“Unahin lang po natin yung karapatan ng tao, lalo na yung mga walang matakbuhan, yung mga hopeless and helpless nating mga kababayan. Full support po ako sa budget ng Commission on Human Rights,” iginiit ni Go.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Go sa CHR sa pagsuporta sa kanyang Senate Bill No. 428 na naglalayong magtatag ng mandatory Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat lalawigan.



Kung maisasabatas, ang mga center ang mangangalaga, gagamot, at magbibigay ng akomodasyon sa mga drug dependents. Mag-aalok din sila ng mga serbisyong after-care, follow-up at social reintegration para tulungan ang kanilang mga pasyente sa pagsasaayos sa buhay sa komunidad pagkatapos lumaya.

“We have since expressed support for a human rights-based approach to policies and initiatives that prioritize health, rehabilitation, and socioeconomic interventions for the treatment and recovery of persons who use drugs,” sabi ni CHR executive director Atty. Jacqueline Ann de Guia.

“We urge the creation of an enabling environment that will encourage people who use drugs to voluntarily seek treatment and support. We continue to hope for a humane, long-term, and sustainable policy shift in the drug campaign to truly address the complexity of the problem,” dagdag ni De Guia.