Advertisers
Inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ang Bayani Ka activity book na layung magturo ng road safety sa mga kabataan.
Ito ay isang comic-inspired interactive na activity book para sa mga estudyante na naglalaman ng mga paksa tungkol sa road signages at safety features sa mga kalsada, lalo na sa mga expressways. Mayroon din itong mga makabuluhang quizzes, coloring pages, word searches, at iba pang aktibidad na tiyak na makatutulong sa developmental skills ng mga bata. Ang activity book na ito ay ipapamahagi sa ibat-ibang elementary schools, DSWD centers para sa mga vulnerable youth, at mga pampublikong silid aralan sa mga host communities ng MPT South sa Metro Manila, Cavite, at Laguna.
Sa book launch event na ginanap nitong Setyembre 29, 2022 sa Paranaque City Library, ipinakilala ng toll road company si ‘Cavi’- isang pitong taong gulang na grade school student at ang main character sa kuwento kung saan siya ay natuto ng mga road safety practices at ipinamahagi niya ang kanyang kaalaman sa kanyang mga kasamahan sa eskuwela.
Dumalo sa book launch sina Paranaque City Mayor Hon. Eric Olivares, mga kinatawan ni Vice Mayor Joan Villafuerte, mga kinatawan ni Paranaque City 1st District Representative Edwin Olivarez, Department of Education (DepEd) Youth Formation Division OIC-Chief Rovin James Canja, ImagineLaw’s Road Safety Project Manager Atty. Daphne Marcelo.
“Patuloy ang MPT South sa pagpapahusay sa road safety at ligtas na biyahe ng mga kabataan na may high risk sa mga road traffic injuries, lalo na ngayong balik eskuwela na ang mga ito matapos ang dalawang taong lockdown. Ang librong ito ay isa ring testamento sa aming pagsuporta sa joint effort ng MPTC at UNICEF sa pagtaguyod ng Child Road Safety na makatutulong sa pagkamit sa Sustainable Development Goals 3.6 para mabawasan ang bilang ng global deaths at injuries sa kalsada, at 11.2 na magbibigay ng sustainable transportation systems sa lahat, pagpapabuti sa road safety at public transport, na may karagdagang atensyon sa mga pangangailangan ng mga vulnerable populations, kasama ang mga kabataan,” ani Ms. Arlette Capistrano, MPT South Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management sa kanyang talumpati.
“We are grateful to the management of CAVITEX for being one with us in championing the welfare of our children, through their Bayani Ka Activity book. Let me assure everyone that Parañaque City under my leadership will continue to support all efforts in educating our young ones, as well as in creating and maintaining more secured and safer access, roads, and thoroughfares for them”, pahayag ni Paranaque City Mayor, Hon. Eric L. Olivares.
Ang MPTC ay ang pinakamalaking toll road builder at operator sa bansa. Kabilang sa domestic portfolio nito ang mga concessions para sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 link, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.