Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
GINAWANG makabuluhan ni Miguel Tanfelix ang kanyang ika-24 kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng grocery items sa mga nangangailangan.
Nagmula sa mga napanalunan ni Miguel sa mga sinalihan niyang game show ang ipinambili niya ng grocery items.
“Suwerte sa game show, ika nga nila. Jackpot dito, jackpot doon. “The question is, bakit? At bakit ako? I think I have the answer for that,” sabi ni Miguel.
“Cause He knows na gagamitin ko ‘to sa tamang bagay. Isa lang naman akong tool eh, para ipamahagi ang blessings Niya,” dagdag niya.
Sa mismong araw ng kanyang kaarawan, bumili si Miguel ng mga de lata, sako ng bigas, mga snack, tinapay, kape, face masks, at iba pa.
Ni-repack ito ng kanyang team bago ipinamahagi sa kanyang area.
“Kung meron kayong sobra, kahit konti, ipamahagi niyo sa iba. Minsan yung konti sa ‘tin, malaki na para sa kanila. Kahit ano, kahit candy. Kahit nga time lang eh, for sure maa-appreciate nila yun eh,” sabi ni Miguel, na nanalo sa “The Wall Philippines” kasama si Ysabel Ortega.
Samantala, napapanood sina Miguel at Ysabel sa What We Could Be sa GMA.
***
INIHAYAG ni Jeric Gonzales na “good friends” pa rin sila ni Rabiya Mateo. Pero nagkabalikan nga ba sila?
“After what happened, of course the controversies and the issues, nag-stay kami na friends, good friends,” kuwento ni Jeric sa “Updated with Nelson Canlas.”
Nang diretsahang tanungin ni Nelson si Jeric kung nagkabalikan sila ni Rabiya, tugon ng aktor, “Ang hirap sabihin na nagkabalikan.”
“Mas gusto na lang muna namin sabihin na we’re good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz,” dagdag ni Jeric, na pipiliin daw na maging pribado na lang ang estado nila ni Rabiya.
“Hindi kami yung nag-break as in wala na talaga, nag-away, gano’n. We want it private na ganito lang na we’re in good terms.”
Ayon kay Jeric, wala silang pinag-awayan ni Rabiya, ngunit naging abala sa kani-kanilang mga proyekto nitong mga nakaraang buwan.
“Kasi kami, wala naman talaga kaming pinag-awayan o pinagtalunan na any issue. Siguro ano lang, priorities lang talaga as of now, kasi we’re both busy. So ‘pag nagkaroon ng mga ibang issue, siyempre showbiz, mahirap eh, ang dami talagang nakikialam, madaming issues na darating sa kanya, sa akin. So mas healthy na focused kami sa work and at the same time okay naman kami,” saad niya.
Inamin naman ni Jeric na naging mahirap sa kanya ang pagkakalabuan nila ni Rabiya.
“Oo naman. At first parang sad talaga and it’s depressing, of course. It adds pressure talaga dito sa showbiz. Ang sarap sana ng someone na may inspiration.”
Matatandaang inanunsyo nina Jeric at Rabiya na in a relationship silang dalawa noong Marso.
Tatlong buwan makaraang isapubliko ang kanilang relasyon, nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram sina Rabiya at Jeric.
Sa ngayon, gumaganap si Jeric bilang si Davidson Navarro o Dave sa adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up PH,” na itinuturing niyang “biggest break.”
Mapapanood naman ang kuwento ng buhay ni Rabiya sa Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi.
Ipakikita ang mga pinagdaanan niya mula sa pagiging isang dalagitang iniwan ng ama, hanggang sa pagiging Miss Universe 2020 ng Pilipinas!
May pamagat na Basta Ilongga, Guwapa: The Rabiya Mateo Story,” eere ito sa GMA @ 8:15 pm!