Advertisers

Advertisers

Heart sasailalim sa IVF treatment para magkaanak na

0 314

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ni Heart Evangelista ang very challenging na pagdaan nito sa In Vitro Fertilization (IVF).
Dumaan siya sa masakit at mahirap na treatment na ito, ang IVF.
Two times a day in a week nga raw ito nabibigyan ng injection.
Eager kasi si Heart na magkaroon na ng baby.
Matapos alalahanin ang miscarriage nito noong 2018 na kungdi nangyari, sana’y meron na itong twins.
Sa pamamagitan ng treatment na IVF ay magkakaroon na ng baby boy or baby girl si Heart.
Kahit naman ang netizens ay sinang ayunan si Heart sa ginagawa nitong IVF treatment para magkaanak na.
***
Willie itinigil na ang mga show sa socmed
SINIMULAN na ngang itigil ni Willie Revillame ang kanyang mga show sa socmed tulad ng live streaming sa Facebook at You Tube.
Sinang ayunan ni Willie ang kagustuhan ng ehekutibo ng bago nitong network.
Kaya naman ‘ yung nakakapanood kay Willie sa socmed via live streaming tru cellphone ay wala na at sinimulan na nitong ihinto.
Gusto raw ng execs na pumokus as bagong network para makahatak ng viewers.
Inanunsiyo ni Willie na sa mga susunod na buwan ay marami silang pasabog at sorpresa.
Target naman ng team ni Willie na makakuha sila ng malaking viewers after na di masyadong nag click ang kanilang soft launch.
Kaya asahan na nga raw na maraming basher ang tututok para punahin l ang bagong network.
Well, well, well…’Yun na!