Advertisers

Advertisers

Rep. Bordado suportado ang pagpasa ng House Bill 4488

0 137

Advertisers

SINUSUPORTAHAN ni Camarines Sur Representative Gabriel Bordado ang pagkakapasa ng Kamara sa House Bill (HB) No. 4488, o 2023 General Appropriations Bill (GAB).

Sinabi ni Bordado, malaking tulong sa marginalized sector ang naturang pondo.

Pero hirit ni Bordado, dagdagan pa sana ang pondo na ipang-aayuda sa mga mahihirap.



“I am appealing to the concerned agencies and entities to facilitate the additional budgetary allocation to all the departments identified in the period of interpellation,” pahayag ni Bordado.

Nabatid na sa budget hearing sa pondo ng Department of Education’s (DepEd), nadiskubre ni Bordado sa pamamagitan ng kanyang interpellation na walang budget na nakalaan sa Special Children and Children with Disabilities Education.

Ayon sa Kongresista sa kanila ito ng pagtataas ng pondo ng DepEd sa P710 bilyon para sa taong 2023 mula sa P633.3 bilyong pondo sa kasalukuyan.

Kaugnay nito naniniwala si Bordado na ang mga nabanggit na programa ay malaking tulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga mayroong special children at children with disabilities.

“So, Mr. Speaker, I am again asking for congressional initiatives to give this Special Children Education the necessary budgetary allocation, Mr. Speak,” pahayag ni Bordado.
Nais din ni Bordado na ibalik ang P10 bilyong budget cut sa panukalang P93 bilyong budget para sa state universities and colleges (SUCs) sa taong 2023 para hindi maapektuhan ang 81 sa 116 SUCs.



Samantala pinadadagdagan din ni Bordado ang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para hindi maapektuhan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Dagdag pondo rin aniya ang kailangan para sa hindi naaprubahang P778 milyong budget sa public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Hindi rin aniya sapat ang 10.4 percent budget increase sa P296.3 billion ng Department of Health kung kaya kailangan din itong dagdagan pa.

Pinadadagdagan din ni Bordado ang P476 milyong budget ng DOE’s Renewable Energy Development Program, Energy Efficiency and Conservation Program, and Alternative Fuels and Technologies Program.(Boy Celario)