Advertisers

Advertisers

Pulis sugatan nang sugurin ng kaalitan sa bahay

0 238

Advertisers

Patay ang isang lalaki at sugatan ang pulis sa nangyaring barilan sa Barangay Gapas, Guinayangan, Quezon, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Edgardo Relado; habang sugatan si Police Master Sgt. Randel Pulutan, na naka-assign sa Police Regional Office sa Laguna.

Sa report ng Guinayangan Municipal Police Station, umiinom ng beer sa terrace ng kanilang bahay si Pulutan nang dumating ang kaalitan nitong si Relado.



Ilang minuto ang lumipas, magkakasunod na putok na ng baril ang umalingawgaw sa lugar.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang nasawi na si Edgardo na agad nitong ikinamatay habang sugatan ang pulis na si Pulutan.

Kaagad na naisugod sa pagamutan ang pulis at inilipat na sa isang pagamutan sa Laguna.

Ayon pa sa report, matagal nang may alitan sina Relado at Pulutan. At nagkahamunan na raw ang dalawa ng away noong nakaraang buwan. Hindi naman nabanggit kung ano ang dahilan ang matagal nang away ng dalawa.

Patuloy ang ginawagang imbestigasyon ng Guinayangan Municipal Police Station sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">