Advertisers
Limang minuto, oo kinakailangan sa loob ng limang minuto ay nakapagresponde na o nasa crime scene na ang mga pulis.
Ito ang mahigpit na tagubilin ni PNP Cordillera Autonomous Regional Director, Police Brig. Gen. Mafelino Bazar sa lahat ng pulisya na nasa ilalim ng Cordillera region.
Sa ganitong sistema, naniniwala si Bazar na maaaring madatnan pa ang mga salarin sa pinangyarihan – kapag madatnan ay posibleng madakip ang salarin kaya an kasso ay lutas agad.
Kung hindi man, sa napakagandang solusyon ni Bazar sa paglutas sa isang krimen ay maaari rin mabigyan agad na kaukulang tulong ang biktima lalo na kapag nangangailangan ito ng karampatang lunas “first aid” – maisugod agad sa pinakamalapit na ospital upang maisalba ang buhay ng sugatang biktima.
Limang minuto? Posible ba ito sa situwasyon ngayon – matrapik. kakulangan ng police service, at kung ano-anong pang dahilan na maaaring marinig sa mga pulis na nagpapalusot sa pagkaanatala ng pagresponde.
Naniniwala naman tayo kay Bazar na posible ang kanyang direktiba dahil kung hindi ay hindi niya ito ipag-utos. Lamang, ang nakikita natin problema dito ay ang mga pulis na magresponde. Oo, nandyan iyong magtuturuan, nandyan iyong kaninong sasakyan pwedeng gamitin, nandyan inyong magdadahilan na walang gasolina at kung ano-ano pa.
Ibig sabihin, posible talaga ang limang minutong responde at para nga naman maisutuparan ang lahat, kinakailangan ding gawan ng solusyon ang ginagawang palusot o katuwiran ng ilang pulis dahil nga sa makatotohanan din ang kanilang katuwiran.
Nasabi ko rin na makatotohanan ang mga katuwiran ng maraming pulis dahil na naobserbahan natin ito – totoo na karamihan sa nagagamit na sasakyan sa operasyon ngayon ay pribadong sasakyan na pag-aari ng mga pulis…mayroon naman mobile etc lamang, kung minsan ay nagkukulang. Kung mayroon man issue na sasakyan sa isang police station ay nasira na at walang pagpapagawa o lumang-luma na.
Sana ay makita ng mga nakatataas sa PNP ang problema sa logistic lalo na sa mga rural area maging din sa ilang urban areas.
Ano pa man, ang limang minutong responde ay masasabi na nga bang solusyon sa mga mangyaring krimen? Katapusan na ba ng mala-pelikulang pagresponde ng mga sa isang crime scene? Hindi ba sa pelikula “crime stories” madalas ay nahuhuli ang mga pulis sa pagresponde? Tapos na ang lahat at saka dumarating sa mga pulis.
Sa Baguio City, bawat sulok ng syudad ay may pulis – opo, napakaganda ng police visibility sa lungsod. sa Session Road na lang, aba’y kaliwa’t kanan makikita ang mga pulis na nagroronda bukod pa sa mga naka-istasyon sa isang lugar.
Hindi lang mismo sa sentro ng lungsod kung hindi pagpasok m pa mang sa bisinidad ng lugar – sa Marcos Highway at sa Kennon Road. May matatakbuhang o mahihingan ng tulong ang mga naaagrabyadong residente o bisita ng lungsod.
Pero infairness kay Baguio City mayor Benjamin Magalong, wala pa man ang tagubilin ni Bazar ay nagbaba na ng direktiba ang alkalde sa kapulisan ng lungsod. Noong pa man – sa unang taon na pag-upo ni Magalong sa lungsod bilang alkalde ay isa sa naging prayridad niya ay magbibigay protekssyon sa mamamayan ng lungsod kaya, siyento pro siyento ang police visibility sa lungsod.
Hindi naman lingid sa atin kaalaman na isang retiradong magaling na heneral ng PNP si Magalong kaya, nakapokus din siya sa trabaong pulis para sa mamamayan ng Baguio at mga turista.
Ngayon, sa diektiba naman ni Bazar sa buong kapulisan ng Cordillera, ito na ba ang solusyon para sa agarang ikalutas ng krimen sa CAR -sng ,5-, minuto responde? Pwede naman kung gugustuhin ng mga pulis.