Advertisers

Advertisers

Paulo bata pa napapanuod na si Piolo; Xian hurt ang ermat ‘pag naba-bash

0 315

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGING guest si Xian Lim at ang kanyang mommy Mary Anne sa You Tube vlog ni Kim Chiu. Dito ay sinabi ni Mommy Mary Anne na nasasaktan siya tuwing nadadawit ang pangalan ng kaisa-isang anak sa mga kontrobersiya at nakatatanggap ng pamba-bash online.
“It’s really painful. Pero hindi kami pumapatol,” sabi ni Mommy Mary Anne
Na agad namang sinang-ayunan ni Kim, “Yes, very zen [peaceful and calm] talaga sila.”
Kuwento pa ng mommy ni Xian, kahit siya raw noong bata pa ay madalas nang nakatatanggap ng pag-iintriga kaya naman natuto na siya kung paano ito harapin at lampasan.
“Kahit noong bata pa kami, even in school maraming controversies and intriga. So, I’ve learned from there.
“Sabi ko ‘pag nagkaanak ako, tuturuan ko na hayaan mo lang sila, di ba? They’ll get tired.”
Sumang-ayon naman si Xian sa sinabi ng ina.
“Wala rin namang, I think lalo na sa panahon ngayon, hindi rin naman dapat pagtuunan siya ng pansin.
“Not just for artistas but, you know, sa mga nanonood ngayon na mga bata, kasi di ba easily affected yung mga tao ngayon kasi everyone has their opinion dahil may social media na,” sabi ni Xian.
Kapag bina-bash o nakatatanggap ng paninira o may problema, ang kanyang ina ang laging takbuhan ng actor-singer na ngayon ay isa na ring direktor.
“But you know, si Mom yung una kong sinasabihan especially before when I was starting ang daming kuda-kuda, ang daming sinasabi ng mga bashers. Siyempre, may mga bashers.”
Pinag-usapan din yung pagkuwestiyon ng isang tao noon tungkol sa pagpapalaki ni Mommy Mary Anne kay Xian.
Kuwento ni Xian, “Di ba mom meron pa nga, hindi na natin papangalanan pero meron pa ngang yung sinabing hindi mo raw ako pinalaki nang maayos.’”
Na agad namang sinagot ng kanyang ina, “Yes, I feel so sad to that person.
“That person knows that we are talking about that person…I feel sorry for you,” patutsada pa ni mommy Mary Anne sa nagkwestiyon sa pagpapalaki niya kay Xian.
***
TINANONG si Paulo Avelino sa media conference ng Flower of Evil kung kumusta ang pakiramdam na first time niyang nakatrabaho si Piolo Pascual sa nasabing serye. Ang sagot niya ay masaya, dahil dati raw, noong elementary at high school pa lang siya ay napapanood niya na si Papa P.
At isa raw achievement para sa kanya, na yung mga hinahangaan niya noon ay nagkakaroon siya ng oportunidad na makatrabaho ang mga ito at matuto sa kanila.
Sa sinabing ito ni Paulo tungkol kay Piolo, natawa na lang ang huli. Sabagay, wala namang masama sa sinabi ni Paulo, hindi pa naman kasi siya artista noon ay artista na si Papa P. Nagsimula si Papa P noon sa sikat na na youth-oriented show na That’s Entertainment ng GMA 7. Hanggang mapunta sa ABS-CBN at maging ka-loveteam ni Judy Ann Santos. Na that time ay wala pa nga sa showbiz si Paulo kaya napapanood pa lang niya ang award-winning actor.