Advertisers

Advertisers

Lady Archers pinana ang Blue Eagles

0 178

Advertisers

PINANA ng DLSU Lady Archers ang Ateneo Blue Eagles,75-67, para sa kanilang ikalawang tagumpay sa UAAP Season 85 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Colesium sa Cubao Linggo.

Sumandal ang La Salle sa nagbabagang kamay ni Lee Sario para maalpasan ang pangpatagalan na karival sa ikaapat na yugto.

Nagtapos si Sario ng 19 points at 11 rebounds upang pangunahan ang opensa ng La Salle. Fina Tchuido nagdagdag ng 13 points at 10 rebounds sa kanyang unang Ateneo-La Salle matchup.



Kacey Dela Rosa nagtala ng double double na 21 points at 14 boards para pamunuan ang Ateneo sa kanilang talo. Joson bumakas ng 14 puntos.

Ang susunod na makakatunggali ng DLSU ay ang UE pakay na mapaganda ang kanilang rekord sa 3-1 ngayon taon.Habang ang Ateneo hahamunin ang UST Growling Tigers sa Miyerkules October 12, sa UST Quadricentennial Pavilion.