Advertisers

Advertisers

Turismo o POGO?; at pag-reinstate kina Atty. Esmeralda at Atty. Lasala sa NBI

0 193

Advertisers

PINAGBAWALAN na ng Chinese government ang kanilang nationals na pumunta ng Pilipinas.

Oo! Blacklisted na ang Pilipinas para tourist destination ng mga Intsik.

Dahil ito sa patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mga Chinese ang nasa likod ng operasyon at ang mga player o tayaan ay sa China.



Ang pag-blacklist sa Pilipinas ay ipinarating ng Chinese Ambassador, Huang Xilian, kay Senate President Miguel Zubiri.

Napuno na kasi ang Chinese government sa mga sumbong ng kanilang mamamayan sa China na may mga kaanak na nagtatrabaho sa POGO at nabiktima ng triad. Bukod pa rito ang reklamo ng kanilang nationals na nabaon sa utang ang mga kamag-anak na nalulong sa online gambling na naka-base sa Pilipinas pero sa Chinese territory ang tayaan.

Sa datus, karamihan ng krimen na kinasasangkutan ng Chinese sa Pilipinas ay may kaugnayan sa POGO. Ang pangunahing rason ay pagkabaon sa utang! Kadalasang kaso extortion, robbery, illegal detention, kidnapping, prostitution, rape, homicide at murder.

Ito ang rason kung bakit ayaw nang payagan ng Chinese govt. ang kanilang nationals sa bansa dahil ayaw naring pakialaman ng ating law enforcements ang mga kaso sa POGO.

Papayagan lamang ng gobyerno ng China na makapamasyal uli sa Pilipinas ang kanilang nationals kung wala nang operasyon ng POGO. Araguy!!!



Malaking kawalan sa ating turismo ang pag-ban na ito ng China sa Pilipinas bilang tourist destination ng kanilang citizens.

Bago pumutok ang pandemya noong 2019, pinakamarami ang bilang ng Chinese tourists sa bansa, pangalawa ang Koreans.

Maraming Pinoy din ang mawawalan ng trabaho sa bansa kapag tuluyang natigil ang operasyon ng POGO tulad ng janitorial, security guard, driver, caretaker at cook.

Pero kailangan mamili ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.: POGO o Chinese tourists?

Sakit ng ulo ito ni PBBM. Hehehe…

***

Pinababalik sa kanilang tungkulin sa National Bureau of Investigation sina Atty. Reynaldo Esmeralda at Atty. Ruel Lasala, kapwa dating opisyal (Director 3) ng NBI na tinanggal ni noo’y Justice Secretary Liela de Lima nang walang isinampang kaso, kundi upang mailagay nila ang kanilang tao ni late ex-President Noynoy Aquino

Sa 24-pahinang desisyon ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Mary Charlene Hernandez-Azura, sinabing iligal ang pagsibak kina Esmeralda at Lasala noong Marso 2014.

Iniutos ng CA ang agarang “reinstatement” kina Esmeralda at Lasala bilang mga NBI Deputy Director. Pinababayaran din ang kanilang back wages, sueldo, mga insentibo at benepisyo at iba pa.

Cheers…mga pare ko!!!

***

Nilagpasan noong Lunes ni PBBM ang pagpirma sa bill na pagpaliban sa Barangay at SK Election. Mukhang ibabasura niya ang bill na ito na ipinasa ng Kongreso. Sana nga ay e-veto niya. Dahil apat na beses nang na-postpone ang BSKE during the time of Duterte administration. Sobrang overstaying na ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay.

Dapat pakinggan ni PBBM ang boses ng nakararaming mamamayan, hindi ang mga politiko. The voice of the people is the voice of God.

Gusto ng nakararaming Pinoy na matuloy ang ekeksyon sa Disyembre 5, 2022 para mapalitan ang mga abusado at tatamad-tamad na mga barangay officials. Just do it, Mr. President!!!