Advertisers
DAHIL sa matagumpay na pagdaraos ng Sagwan Dragonboat Race Festival sa Balai Isabel ,Talisay sa Batangas nitong nakaraang weekend, nais nang ikalendaryo ni special events icon/ organizer Ricci Ang ang isang kaganapang karera ng dragonboat for a cause sa madaling hinaharap.
“ Sports ,tourism and job opportunity ang ating adbokasiya at ito ay isang mission possible basta kapit- bisig ang lahat ng konsernadong Pilipino tulad ng teamwork ng ating mga paddlers sa larangan ng dragonboat,” wika ni Ang , awardee sa iba’t -ibang larangan sa negosyo,turismo, kultura,entertainment ,sports at iba pa.
Kanya ring ipinahayag na laging handa siyang tumulong sa mga atleta ng dragonboat na kayang mag- excel ng Pilipino sa international competitions.
Ang dragonboat ay nasa timon ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation sa liderato ni President Teresita Uy at national coach Len Escollante.
“Sa ngalan ng PKCDF ay nagpapasamat kami sa malasakit at suporta mula sa pamahalaan tulad ng Philippine Sports Commission at sa Philippine Olympic Committee , corporate at pribadong sektor specially R& A Events Specialist maging sa local government units. Pag sama-sama we will win as one!”, pahayag naman ni Escollante. (Danny Simon)