Advertisers

Advertisers

MAYORA GEM CASTILLO, THAT’S ENTERTAINMENT CINDERELLA

0 459

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DALA ang pangarap na maging artista ay lakas loob na nag-audition noon sa teen show ng yumaong German Moreno, ang “That’s Entertainment’, si Gem Castillo, popularly known today as ‘Mayora Gem Castillo’ dahil siya ang first lady ng San Pablo City under the leadership of Mayor Vicente Amante.
Salat man sa pinansyal noon ay tinawid ni Gem ang kanyang pangarap, puhunan ang ganda, talent at pangarap na pag-aartista. Paunti-unti ay narating na ni Gem ang pangarap na sumikat at makilalang aktres pero ‘tinalo’ ng pag-ibig ang kanyang karir.
Ngayon ay Isa na siyang hands-on-mother, negosyante, at First Lady.
Kahit naman noong nagsisimula palang sa showbiz si Gem ay sadya na siyang matulungin at maawain lalo na doon sa mga nakikita niyang kababayan natin na mahirap. At kahit kakarampot palang ang kanyang kinikita ay nagagawa pa rin niyang i-share ang nakukuhang blessings.
Kaya nga super blessed ang byuti ni Gem dahil mas marami na siyang mahihirap nating kababayan na natutulungan sa maliit mang paraan na taos puso namang pagtulong galing sa kanyang puso.
At ngayon nga ay multi-awarded woman na si Gem, hindi man sa pagiging artista kundi sa pagiging philanthropist na bukas palad na pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa kanyang mga constituent sa San Pablo City.
Just recently ay ginawaran si Mayora Gem ng Diamond Excellence Award dahil kabilang siya sa listahan ng Top 20 Inspiring Woman of the Philippines. Sa darating namang na November 25 ay tatanggapin ni Mayora Gem ang HONORARY PHILANTHROPIST OF THE YEAR award mula sa Nation Builders & Mosliv Awards na nakatakdang ganapin sa Okada, Manila. Kabilang din sa binigyan ng parangal sina Cong. Richard Gomez ng Ormoc, Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto, at Laguna Vice Gov. Karen Agapay.
At dahil mahal ang showbiz ay pangilan-ngilan ay dumadalo si Gem sa mga showbiz related events. Makikita pa rin sa kanya ang mukha ng gandang artista kahit pa sabihin na nadagdagan na ang kanyang timbang.
Nang matanong ng inyong lingkod si Gem kung may balak ba siyang mag-produce ng pelikula para makatulong din sa mga kasamahan niya dati sa industriya,
‘Timing lang. Kumukuha lang ako ng tiyempo. Lam naman ng lahat na sa industriyang ito ako nakilala at naging daan na makamit kung anuman meron ako ngayon. Nasa dugo ko na po talaga ang pag-aartista.”