Advertisers

Advertisers

Rayver swak na maging daddy; Jasmine lumipat ng bahay para sa dyowa

0 295

Advertisers

AYON sa aktres na si Jenny Umali na based na ngayon sa USA…
“Dahil sa naging experience ko sa pagka-bankrupt naging inspiration ko ‘yun to write an E-Book na mabibili nila sa website ko kasama ng Money Mindset Meditation.
“Puwede nilang bisitahin ang website ko sa www.purplelightreikihealing.com
“And kaya din nagka-interest si Lanz Santos na interview-hin ako kasi na- inspire siya sa story ko and gusto namin ma-inspire ang mga followers and viewers niya para na din makapag-isip ng mainenegosyo lalo na sa panahon ngayon ng pandemic.”
Si Lanie Santos, tulad ni Jenny, ay isa ring Pilipina na nakikipaglaban sa buhay sa Amerika; siya ang founder ng Lanz Boutique at creator ng BUSY LIFESTYLE PLANNER na iniaalay niya para sa mga abalang kababaihan.
“My plan for the Busy Lifestyle Planner is that it lands in your hands and that you find it fitting and joyous to record your life in such a manner. The planner serves not only as a calendar and to-do list but also as a journal. Along with monthly and weekly reminders, your goals (both long- and short-term) are important.
“You’ll find areas to scribble in dinner ideas, gratitudes, notes, and much more, but you’ll also discover pages dedicate to you―you and your beautiful dreams. I never want you to lose sight of what makes you who you are. That’s why I’ve included a space for “The Big Picture,” a vision board, and a goal-setting section. In essence, your planner becomes a great story of yourself. And trust me: it is so rewarding to look back through old planners. You see where you have been, where you still are, and where you’re headed. Planners are personal tales of growth.”
“I can promise you this: My company caters to the needs of busy women, who are constantly on the move and doing their best to strike some sort of balance. I desire for you to experience laughter and love. I even long for you to embrace challenges and heartache because all of that make us stronger.”
At nangako si Lanie na ang fifteen percent ng kikitain ng Lanz Boutique ay itutulong niya sa edukasyon ng mga kapuspalad na mga kabataang Pilipino.
Nasa Pilipinas pa ang pamilya niya at nais niyang mamahagi ng biyaya sa kanyang mga kababayan sa lugar na kanyang pinagmulan.
“Check out ANCOP (ANswering the Cry Of the Poor) and their tremendous work in the world.
Malalaman pa ang iba pang mga detalye tungkol sa BUSY LIFESTYLE PLANNER sa www.lanzsantos.com.
Samantala, ang guesting ni Jenny sa Youtube channel (Lanz Santos) ni Lanie ay pinamagatang Buhay Amerika nitong September 26, Saturday, 10 am EST/10 pm GMT +8.
***
IBINAHAGI  ng ‘I Can See You: Love On The Balcony’ stars na sina Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno, at Denise Barbacena ang pinakabaliw na bagay na nagawa nila sa ngalan ng pag-ibig.
Pag-amin ng first time dad na si Pancho, wala pa naman daw itong maituturing na ‘pinakabaliw’ na nagawa para sa asawang si Max Collins, “Wala naman akong crazy na ginawa para sa loved one ko. Siguro, crazy in love lang talaga ako sa kanya.”
Diretsahang ibinunyag ni Jasmine na naglipat ito ng bahay para sa kanyang minamahal.
Pagbabahagi naman ni Denise, may ideya raw siya sa kung anong gawain ang makokonsiderang ‘baliw’ para lang sa pag-ibig, “Not actually something I did but I think the craziest thing you can do is to lose yourself in the process of loving someone.
Makakasama rin nina Jasmine, Pancho at Denise sa ‘Love On The Balcony’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Mapapanood na ang ‘I Can See You: Love On The Balcony’ simula Lunes (Setyembre 28) sa GMA Telebabad.
***
HINDI nakalagpas sa netizens na kantiyawan si Rayver Cruz nang i-post ng Kapuso actor ang larawan nila ng pamangkin na si Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin, anak ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina.
“Puwede na maging daddy!”, iyan ang sigaw ng netizens sa Instagram post ni Rayver kung saan makikitang kalong niya si Baby Joaquin habang nakasuot ng face mask.
Bumuhos pa sa comment section ang biro ng netizens at fans nila ng girlfriend na si Janine Gutierrez na maaari na raw silang bumuo ng sariling pamilya kagaya ng nakatatandang kapatid.
Samantala, mapapanood nang muling mag-perform on stage si Rayver at ilan pang cast members ng ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (September 27) sa kanilang inaabangang pagbabalik-studio. Bukod pa riyan, mas pinahaba na rin ang oras ng programa na mapapanood mula 12PM hanggang 1:45PM sa GMA-7. (Rommel Gonzales)